Ibinahagi ng aktres at TV host na si Toni Gonzaga ang paalala sa kanya ng tatay na si Bonoy Gonzaga na hinding-hindi niya makakalimutan noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Driver daw niya noon ang daddy niya. Binilin nito sa kanya na huwag siyang magtatanim ng sama ng loob dahil bibigat lang ang pakiramdam niya at mati-trigger siya sa maliit na bagay lang.
Lagi raw nitong sinasabi na, “‘Kapag pikon ka, matampuhin ka, mapagtanim ka ng sama ng loob, matatalo ka sa buhay. Kasi, ang bigat ng magiging pamumuhay mo.’Palagi kang may bitbit. Laging sinasabi ng daddy ko ‘yun.”
Kaya binigyang-pugay ng misis ni Paul Soriano ang mga magulang niyang sina Bonoy at Pinty dahil nagabayan daw siya ng mga ito kaya naging matino siya sa buhay. Bongga.
Mga barko ng ‘Pinas, kawawa ang hitsura ‘pag katabi ang sa China
‘Pag nanood ako ng news lalo na ‘yung balita tungkol sa issue ng China sa West Philippine Sea talagang naloloka ako sa mga barko natin lalo na at katabi ng barko ng China.
Gusto ko na ngang mag-fundraising para makabili tayo ng magandang barko para matapatan ang mga barko nila.
Minsan nga nagtabi ang mga barko, talagang parang kalawangin na ‘yung atin at bagong-bago ‘yung kanila. ‘Kalokah hah!
Parang aping-api ‘yung barko natin. Pero sure akong mas matapang at mas matikas ang mga sundalo natin. Kaya nga lang sana magaganda rin ang mga barko natin para may laban tayo sa payanigan noh!
Kaya ‘yung mga rich Filipino sana mag-donate para makabili tayo ng new boat para bongga. Huwag tayong patalo sa pagpapakitang-gilas noh! Pormahan pa lang, bonggahan na natin. Dapat ganun, ‘di ba.