^

PSN Showbiz

Ikinulong na direktor dahil sa nasunog na modernized jeep, iimbestigahan na sa senado!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ikinulong na direktor dahil sa nasunog na modernized jeep, iimbestigahan na sa senado!
Jade Castro

Pinapaimbestigahan ni Sen. Risa Hontiveros sa Senado ang paghuli sa film director na si Jade Castro at tatlong kasamahan sa Quezon.

Inakusahan silang nanunog diumano ng modernized jeepney sa Catanauan, Quezon. Pero ayon kay direk Jade, nagbabakasyon sila sa Mulanay, na katabing bayan lamang ito.

Hinuli sila ng mga kapulisan sa Quezon na walang warrant of arrest.

Ipinasa ni Sen. Hontiveros sa Senado ang Resolution Calling for the Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs to Conduct an Investigation in Aid of Legislation into the circumstances leading to the arrest and for allegedly torching a modernized jeepney in Ca­tanauan, Quezon, with the end in view of determining whether our law enforcement officers continue to adhere to well established rules and regulations in the performance of their duties, and proposing additional remedial measures.

Nakasaad sa resolution kung lawful ang pag-aresto na walang warrant of arrest kung, “When, in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense.

“When an offense has just been committed and he has probable cause to believe based on personal knowledge of facts or circumstances that the person to be arrested has committed it; and

“When the person to be arrested is a prisoner who has escaped from a penal establishment or place where he is serving final judgment or is temporarily confined while his case is pending, or has escaped while being transferred from one confinement to another.”

Inalmahan ito ng pamilya at mga kaibigan ni direk Jade at ang tatlo pa niyang kasamahan.

Nakita pa sa CCTV ng Mulanay na nandun si direk Jade at mga kasamahan nito nung oras na nangyayari ang krimen sa Catanauan.

Nagbabakasyon lang daw sila nung panahong ‘yun sa Mulanay.

Kaya nanawagan ang pamIlya at mga kaibigan ni direk Jade at mga kasamahan nito na bigyang atensyon itong nangyayari sa kanila.

Hinuli sila nung Feb. 1, at hanggang sa ngayon ay nakakulong pa rin sila.

Ngayong nasa Senado na ito at pinaiimbestigahan na ni Sen. Hontiveros, sana mapansin na ito.

Glaiza, hindi makapaniwala sa ginawa ni Ken

Lalong nakilala ni Glaiza de Castro si Ken Chan ngayong magka-partner sila sa film production.

Silang dalawa ang co-producers sa Wide International Films na nag-produce ng pelikulang Slay Zone na magsu-sho­wing na ngayong araw ng mga puso at Ash Wednesday pa.

Isa si Glaiza sa bida sa pelikulang ito kasama si Pokwang. Pero sabi ni Glaiza sa virtual media conference nung Lunes, talagang hands on daw si Ken Chan sa pag-asikaso bilang producer.

Nung nakaraang celebrity premiere ng Slay Zone na ginanap sa SM The Block, umalis sandali si Ken sa taping ng Abot-Kamay Na Pangarap para personal niyang maasikaso ang lahat ng kailangan sa premiere night.

DIRECTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with