Inamin ng Kapamilya star na si Gillian Vicencio na nasaktan siya sa mga natanggap na bashing nung idawit ang pangalan niya sa breakup nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Paano ka naapektuhan nung mga bashing?
“Syempre po nakaka-hurt ‘yung mga sinasabi ng mga tao. Kasi nababasa ko po ‘yung mga iba eh.
“Pero nung mga una po, ayun nakikita ko, tapos nag-detox po muna ako sa social media pero nagulat po ako na parang may mga ganong lumalabas,” sagot niya na ang tinutukoy ay kung ba’t pinagbintangan siyang mang-aagaw.
Nakausap namin sa Gillian sa anniversary celebration ng Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga, last Saturday at ‘yun ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa nasabing kontrobersya.
Pero may pagkakataon ba na naging close kayo ni Daniel?
“Sa taping po magkaka-close po kami (2 Good 2 Be True) kasi kami po ‘yung magkakaeksena eh.”
Pero walang level na nagte-text-an kayo or may communication outside work?
“Wala po. Wala po.”
So nag-sorry ka kay Kathryn? “Hindi po ako nag-sorry kasi wala naman po akong ginagawang bad pero in-explain ko po ‘yung side ko na wala pong ganun. Minessage ko po siya after nung unfollow.”
Nagreply siya?
“Ohhh, hindi po. Baka po kasi ang dami ring nangyayari. Ang daming ano... so naiintindihan ko naman po.”
What if magkita kayo sa isang event? Anong gagawin mo? Lalapitan mo siya?
“Oo naman po. Opo.”
Eh si Daniel? Lalapitan mo siya? Nag-explain ka ba sa kanya or nag-sorry?
“Parang wala naman po akong fault doon. Wala po akong idea talaga.”
So okay ka na ngayon?
“Opo, parang mas natutunan ko na wala eh may mga ganun talagang pangyayari sa life mo as artista, na ang daming masasabi ng mga tao sa mga bawat galaw mo or something. Wala eh your life’s on parang nakalabas so ‘yun pala. Ganon pala siya.”
Anong mga next project mo? “Nag-taping po kami ng What’s Wrong with Secretary Kim. I think papalabas na po kami this year and then po may pelikula po akong ginawa last last year. International release po muna.”
Kailan ka pa naging endorser/ ambassador ng Beautederm? “Bago lang po. This year lang po ako nag-sign kaya sobrang thankful po ako kay ma’am Rei Tan kasi binigyan niya po ako ng chance tapos naniwala po siya sa akin.”
Ano ‘to first endorsement mo? “First po. Oh my God.”