Bumalik ng bansa ang model/actress na si Maureen Wroblewitz para daluhan ang red carpet premiere ng pelikulang Take Me To Banaue na pinagbidahan niya.
Umikot na ang pelikulang ito sa iba’t-ibang lugar sa Amerika, at dito raw sa Pilipinas ang huling premiere screening dahil magsisimula na ang streaming nito sa website ng naturang pelikula, sa www.takemetobanauefilm sa Feb. 12.
Pagkatapos nito ay babalik na raw siya ng Amerika, kasama ang boyfriend niyang si Noah Steinbuch na naghihintay sa kanya sa Japan.
Nag-aaral daw ngayon sa Amerika si Maureen ng acting at tumatanggap din ito ng modeling.
Natawa ito nang sinabi ko sa kanya na pinag-uusapan pa rin siya rito, lalo na pagdating sa kanyang lovelife.
Okay naman daw sila ng dating boyfriend niyang si JK Labajo, pero hindi pa niya masasabi sa ngayon na puwede na silang maging friends. “But I think, we’re kind of like try to find ourselves separately. And, he’s been doing really great with his music and he’s going back to acting. And you know, I finally moved to LA which hasn’t gonna back for a very long time. So, we’re doing well individually.”
Sila pa ni JK nung ginawa niya itong Take Me To Banaue at ibinigay pa ng singer/actor ang kanta niyang Buwan at ginawan pa niya ng isa pang kanta.
Pero natawa na lang at ipinagkibit-balikat ni Maureen nang hiningan ko siya ng reaksyon na tila para pa rin sa kanya itong latest hit song ni JK na Ere.
Ibig sabihin ba nito, hindi pa rin ito nakapag-move on sa kanya? “No naman. It’s just like it takes really long to release a song,” sambit ni Maureen.
Natuwa siya nang sinabi naming mukhang may bagong girlfriend na ngayon si JK.
Samantala, pinalakpakan at pinuri ang pelikula nila. Nakakaarte pala si Maureen, na nagawa niyang mag-English na parang hindi siya sanay kahit Inglesera naman talaga siya.
May mga eksena pa siyang nagsasalita siya ng Tuwali, ang native language sa Ifugao.
Pero ang isa pang kuwelang-kuwela rito at napakagaling ay si Thea Tolentino na malaki rin ang role sa naturang pelikula.
Kasama rin nila sa pelikulang ito sina Boobay, MJ Lastimosa at ang Hollywood actors na sina Brandon Melo at Dylan Rogers at sinulat at dinirek ito ni Danny Aguilar.
Mayor Javi, may sagot kay Ivana?!
Naglabas ng statement si Ivana Alawi sa kanyang Facebook account kaugnay sa isyu nila ng Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Kaagad na nag-viral ang video na magkasama sila sa airport sa Japan.
Nakasabay pa nila sa flight na ‘yun ang mag-asawang Joey de Leon at Eileen Macapagal.
Ang dami nang naglabasang kuwento at kasabay nang pag-viral ng video na ‘yun ay may IG story na ipinost ang Victorias City Mayor Javi Benitez na “Money Talks.”
Sinundan din nito ng post ng tatlong laughing emoji.
Ikinonek na ‘yun ng karamihan sa pagkaka-link ni Ivana sa kanyang ama. Tila sagot daw ito ng boyfriend ni Sue Ramirez sa kapatid ni Mona.