Emotionally, financially ready...
Carlo, handa nang pakasalan si Charlie!
Financially and emotionally ready na si Carlo Aquino na pakasalan si Charlie Dizon.
Pero iisipin pa raw niya kung magaganap ito this year.
Ito ang inamin ng actor nang makausap namin kahapon sa Chinese New Year celebration ng Beautederm Corporation ni Ms. Rei Tan sa kanilang headquarter sa Angeles, Pampanga.
Pero ayaw daw niyang sabihin na apaw talaga ang kaligayahan niya sa kasalukuyan. “Ayaw kong sabihing umaapaw eh kasi palaging meron pang magpapasaya sa’yo sa buhay na ito hangga’t hindi pa natatapos,” umpisa ng actor na naka-apat na pelikula last year.
“Masaya kami ni Charlie. Nandoroon ako. Saka hindi ako, ‘wag ka masyadong excited’ kasi hindi pa tapos ‘yung buhay mo. May biglang manggugulat sa’yo diyan.”
So handa ka sa mga ganon?
“Never kang magiging handa sa mga sakit sa buhay mo. Kailangan mo ng kakampi, ‘yung sinasabi ko sa’yo, anchor, friend, partner, family.”
Pero iba raw talaga si Charlie? “Palaban kasi, eh. Palaban sa tamang paraan.”
Parang na-challenge ka sa kanya sa personality?
“Oo, at saka ang gaan, ang sarap tumawa. Naririnig niyo naman ‘pag tumatawa. Saka pagka may problema, uupuan, pag-uusapan nang maayos.”
Never kayong nagkaroon ng issue? Hindi kayo nag-away?
“Nag-away pero napag-uusapan nang maayos. ‘Yun naman ‘yung pinaka-importante, maglalakad kami, lalabas kami, pag-uusapan namin.”
Anong plan n’yo sa Valentine?
“Wala, eh. Ang dami kasing lumalabas, eh. Ang daming tao, ang traffic. Kesa ma-relax ka, mag-date, kaka-stress ‘yung traffic.”
Galing ba sa iyo ‘yon ‘yung suot ni Charlie na ring? Engagement na ba ‘yon?
“Hindi galing sa akin ‘yon. Hindi ko alam,” sabay tawa ni Carlo na kita mo naman sa mukha ang kaligayahan sa piling ni Charlie na kasama niya kahapon sa event ng Beautederm pero hindi talaga umepal ang actress at andun lang sa isang tabi at naghihintay sa jowang aktor.
- Latest