Xyriel, may gustong patunayan kay Juday

Xyriel Manabat.
STAR/ File

Mula pagkabata ay talagang iniidolo na ni Xyriel Manabat si Judy Ann Santos.

Minsan nang nagkatrabaho ang dalawang aktres noon sa teleser­yeng 100 Days to Heaven. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap si Xyriel na muling makatrabaho ang Young Superstar. “All-time favorite ko po kasi ang idol ko po simula noong bata ako si Ms. Judy Ann Santos po talaga. Naka-work ko po siya sa 100 Days to Heaven (2011) and talagang hindi po nila ako mahuli noong tumatakbo po ako sa ilalim ng lamesa,” kwento ni Xyriel.

Umaasa ang dating child star na mara­ming matututunan mula kay Juday kung magkakatrabaho ang dalawa. “Matutuwa po ako at mae-enhance ko po lalo ‘yung craft ko. If ever po mapu-prove ko po ‘yung sarili ko sa idol ko,” giit ng aktres.

Anthony, ramdam na pareho sila ng technique ni Maris

Masaya si Anthony Jennings dahil tinangkilik ng mga tagahanga ang bago nilang tambalan ni Maris Racal.

Talagang kinaaaliwan ng mga manonood ang bawat eksena ng dalawa sa Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilininan.

Nakilala ang karakter ni Anthony bilang si Snoop at si Irene naman ang karakter na ginagampanan ni Maris. “Thankful ako na tinatanggap siya ng mga tao and mahal pa rin nila characters namin, ‘yung tandem namin. Kinikilig pa, sobrang nakaka-overwhelm. Kasi hindi ko in-expect na magbu-boom ‘yung character. Ako nag-internalize lang kasi ako na kaila­ngan makulit ako. Tapos ito na ako ngayon,” nakangiting pahayag ni Anthony.

Hindi raw inakala ng baguhang aktor na mabubuo ang tambalan nila ni Maris dahil sa mga nakaaaliw nilang mga eksena sa serye. “Masaya kasi at least na-recognize nila at saka walang nangyari na ganoon ah. Kasi first time na magsimula ‘yung love team sa tae (na eksena sa serye),” dagdag ng binata.

Noong una ay nakaramdam umano ng kaba si Anthony kay Maris.

Ayon sa binata ay kilala na bilang isang maga­ling na aktres ang dalaga kaya talagang kinabahan sa kanilang mga eksena. “Una kaming nagkita presscon, pero ‘yung una kaming nagkaeksena doon kami nagka-interaction ni Maris. Kabadong-kabado ako, hindi ko alam kung paano. Sabi ko, ‘Si Maris ito eh, siyempre kilala ko na at napapanood ko na si Maris. So paano ko gagawin ito? Magaan namang kausap itong si Maris. So, feeling ko magkakasundo kami. Excited ako and siya rin naman natuwa rin siya sa outcome ng eksena na ginawa namin. Parehas kami ng technique kung paano magpatawa ng tao.

“Sobrang sarap niya kaeksena, maga­ling siya. Magaling siyang kabatuhan ng lines. Napi-pressure nga ako minsan kasi sabi ko, ‘Naku! Hindi nagba-buckle ito. Nagpapasalamat ako na siya ‘yung naka-partner ko rito. Ang galing, astig!” pagtatapos ni Anthony.

(Reports from JCC)                                                                             

Show comments