^

PSN Showbiz

Pokwang, ‘di handang patawarin ang dating asawa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, ‘di handang patawarin ang dating asawa
Pokwang
STAR/ File

Hindi masyado masalita si Pokwang kapag tungkol sa dating karelasyong si Lee O’Brian ang mga tinatanong sa kanya.

Nakorner namin siya sa red carpet premiere ng pelikula nila ni Glaiza de Castro na Slay Zone na  showing sa Feb. 14.

At kinumusta namin kung nakaalis na ba ng bansa si Lee O’Brian. Ipinapa-deport na ito ng Bureau of Immigration, at kamakailan lang ay inireklamo pa ng komedyante na hindi pa rin nakaalis dahil nagsumite pa raw ng Motion for Reconsideration.

Pero sabi ni Pokwang, “Ang alam ko, nagliligpit-ligpit na. Nakarating na sa akin na nagliligpit-ligpit na. Para sa kanya, para sa akin din ‘to, para sa kapayapaan naming pareho.”

Sinundan namin ng tanong kung papayagan ba niyang ipahiram muna kay Lee ang anak nilang si Malia bago ito umalis. “Tingnan natin kung dasurv!” pakli niya.

Gusto na rin daw niyang matapos na ito. Nag-sorry siya sa kanyang Instagram account sa lahat na mga binitiwang pahayag kaugnay sa isyu nila ng dating karelasyon.

Hindi rin daw muna niya sinasabi sa kanyang anak kung ano ang nangyayari dahil masyado pa itong bata.

Nakapagpatawad na ba siya? “Darating ang panahon, huwag natin ipilit. Kasi darating ‘yan. Kasi, binibigay ang pagpapatawad sa taong humihingi ng tawad. Pero ‘yung taong feeling na hindi siya nagkakamali ever since, bakit ko ibibigay ‘yun?

“Anyway, darating tayo diyan. Ang pagpapatawad nandiyan lang yan,” sabi pa ni Pokwang.

Nagpapasalamat na lang daw siya sa magandang dumarating sa buhay niya sa pagpasok ng 2024. Excited siya rito sa Slay Zone na ibang-iba sa pagpapatawa niya sa Becky and Badette.

May sisimulan pang pelikula si Pokwang under BG Films International ni Ms. Baby Go na kukunan daw sa Zamboanga. May gagawin din siyang short film para sa Director’s Fortnight ng Cannes International Film Festival.

Excited din siya sa Tanghalan ng Kampeon nila ni Kim Atienza sa TikToClock na magsisimula na sa Lunes, Feb. 12.

Sen. Bong, ‘di pinayagang mag-co-produce!

Sa pilot episode pa lang ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis nung nakaraang Linggo, parang pelikula na ang dating.

Apat na kotse agad ang pinasabog at mas matindi ang action scenes na ginawa. ‘Yun daw talaga ang gusto niya na parang pelikula na dati niyang ginagawa.

Kaya nag-suggest na nga raw siyang makipag-co-produce na siya, pero ayaw naman daw ng GMA 7. “Gusto ko ngang mag-co-prod pero ayaw ng GMA,” pakli ni Sen. Bong.

Tuluy-tuloy ang taping nila at may apat na episodes pa raw silang tatapusin. Kaya kinakarir na raw nilang pagandahin ito.

“May mga bagong karakter na papasok. Andiyan ‘yung papasok si Sanya Lopez, si Herlene Budol. Marami, marami. Andiyan sina Michael de Mesa. Ahhh maraming characters. Andiyan si Celeste Cortesi, ‘di ba?

May balak sina Sen. Bong na mag-iikot sila sa mga probinsya at magpa-free screening ng ilang episodes ng naturang action-comedy.

Pagkatapos ng taping ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay dedesisyunan na ni Sen. Bong ang pelikulang gagawin niyang balak isali sa Metro Manila Film Festival.

Hindi pa niya masagot kung itong pagsasanib ba nila nina Sen. Lito Lapid, Sen. Robin Padilla at si Coco Martin.

Pero meron din siyang isang comedy-drama na pagsasamahan nila nina Sharon Cuneta at Jillian Ward. Wala pa raw talagang definite kung alin ang una niyang gagawin.

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with