Malayo pa ang Halloween pero may big surprise na ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) team para sa kanilang viewers mula sa kanilang Facebook account at ito ang pag-announce ng first-ever Gabi ng Lagim The Movie.
Ang true-to–life horror story mo, pwede na ngang maging isang pelikula! At ipo-produce pa ito ng award-winning teams ng GMA Public Affairs at GMA Pictures. Sila lang naman ang nasa likod ng Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival Best Picture awardee na Firefly!
Ang top 3 entries na mapipili ay makakatanggap ng cash prize na Php 20,000 each. Ongoing na rin ang submission mula February 2 hanggang February 29 para sa mga nais mag bahagi ng kanilang horror stories at bukas ito sa mga Filipino residents, 18 years old and above.