^

PSN Showbiz

Enrique, sinagot ang mga intriga sa kanyang ‘bird’; breakup nila ni Liza itinanggi

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Enrique, sinagot ang mga intriga sa kanyang ‘bird’; breakup nila ni Liza itinanggi
Enrique Gil.
STAR/ File

Naging ordinaryong topic lang ang ‘bird’ ni Enrique Gil sa ginanap na presscon ng comeback movie niyang I Am not Big Bird na mapapanood na sa mga sinehan sa Feb. 14, Ash Wednesday.

Kakaibang Enrique nga ang mapapanood sa kanyang comeback movie.

“I’m super proud of our film. I just really want to make people laugh and I think it’s the perfect time to comeback, especially with a film like this,” sabi ng actor sa interview.

Ginagampanan niya ang papel ni Luis Carpio, na may ‘malaking’ misyon sa Thailand kasama ang ilang kaibigan pagtapos niyang masawi sa pag-ibig.

Magugulo ang plano niya dahil sa kasamaang palad ay mapagkakamalan siya bilang ang sikat na Thai adult video star o porn star na si ‘Big Bird.’

Ayon sa Kapamilya actor, nagustuhan niya agad ang konsepto ng pelikula dahil ito rin ang tipo ng palabas na gusto niyang panoorin.

Aniya, “I am a huge fan of comedy films, those ‘90s, early 2000s comedies, some of the US comedies, na hindi ko talaga nakikita na o napapanood. To be able to do a film like this here in the Philippines, I just had to do it.”

Tampok rin sa barkada movie na nagbabalik sa dekada ‘90 sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero na nakasama ni Enrique sa riot na pinagdaanan niya sa Bangkok.

“Dito mo makikita, it’s not about manhood or having a chick, it’s really about keeping your friends,” sabi ng manunulat ng pelikula na si Lilit Reyes sa ginanap na The Big Media Conference noong Huwebes ng gabi.

“It’s more of a self-discovery along with rediscovering friendship na mga nakalimutan mo na. Para siyang pagtanda at pag-develop ng isang lalaki during that time sa mga na-experience niya sa Thailand,” katwiran naman sa isa pang writer ng pelikula na si Joma Labayen.

Samantala, ito ang unang pelikula ni Enrique na hindi kasama ang girlfriend na si Liza Soberano.

“Yeah, pero medyo nasanay din ako. I mean not super, but you know before, I was paired with Liza and our love team. Pero lagi naman akong pini-pair with everybody else and I would do it solo. Yeah, a lot of movies on my own. So, of course, it felt weird, different, but it wasn’t so alien to me,” sabi ng actor na inamin din na sila pa rin ng actress.

At patunay na sila pa nga ay maikling partisipasyon ni Liza sa trailer ng I Am Not Big Bird.

At ang paliwanag niya : “Nag-usap kami, kasi, I mean, gumawa rin ako ng promo for her movie, Lisa Frankenstein which sana guys, mapanood n’yo rin, ‘yung Lisa Frankenstein. So ako naman sabi ko, ‘ako rin i-promote mo ako kahit isang ano lang, statement du’n sa trailer, so ayun. So ayun. Hahaha!

“’Hello, big bird!’ ‘Yun ang sinabi niya. Sabi ko, okay ‘yan! Pwede na ‘yan! Ilagay na natin ‘yan sa trailer. Hahaha! ‘Yun nga! Simple. Sabi ko simple lang, kahit one liner lang. Okay, ‘hello, big bird,’ okay na ‘yon. Okay.”

Pero anong sagot niya sa sinabi ni Liza? ‘Hello, big bird din!’ natatawang hirit ng actor.

Kung medyo may laswa effect ang pelikula sa iba, proud naman si Enrique dahil good vibes din umano ang nakapaloob dito at barkada movie raw talaga ito.

Pero big bird or not siya sa totoong buhay?

“Both. Hindi naman lagi ano ‘di ba. Minsan ‘pag malamig ‘di ba.”

Hirit niya : “Of course po. Syempre. Hindi naman sa size ‘yun.. sa paggamit, joke lang. Hindi pero sinasabi ko talaga, if you can make a girl laugh, you have the biggest package in the universe. Hindi na kailangan po.”

Anyway, ang I Am Not Big Bird ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva  na collaboration project ng Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment.

ENRIQUE

LIZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with