Nalaglagan ng endorsement si Sarah Lahbati.
Wala na siyang contract sa Luxe Slim.
“Kaka-expire lang po,” chika ng TV host at negosyanteng si Anna Magkawas.
Ire-renew mo Miss Anna?
“Well, depende rin po sa kanya.”
Pero nag-reach out ka na sa kanya for renewal?
“Well, nag-usap naman po kami. Actually since last year nag-usap naman kami ni Sarah.”
So anong possibility na mag-renew siya?
“Medyo busy lang din po yata si Sarah ngayon. Parang maraming mga project siyang pinaghahandaan. And then kami naman recently kasi we launched Vice (Ganda), Marian (Rivera), and then Miss Dimples (Romana).”
Samantala, umaray ang TV host / businesswoman sa pamemeke sa kanyang mga produkto particular na ang Luxe Slim Caffe.
Bitbit ang kanyang mga produkto at ang mga pekeng version nito, ipinakita ni Ms. Anna ang pagkakaiba ng legit at fake version ng kanyang binebentang kape.
“Ang fake po ay itong dalawa,” umpisa niya.
“So ito pong dalawa parehas po itong fake box and the fake sachet ito po ‘yung laman nung isang ano. Ito naman dark choco na kumakalat ngayon na fake rin po. So ‘yung laman ng dark choco naman po ay ito. Ito po ang laman ng dark choco. Ayan,” sabi nito sabay turo sa mga hawak na pekeng produkto.
“Ito naman po ‘yung mga original natin. Ito po ‘yung sa macchiato natin na coffee. And ito naman po ‘yung ating sa dark choco na box. So as you can see, malayong-malayo po talaga ‘yung itsura nila. And then ‘yung sa sachet, ito po ‘yung original sachet. Ganito po ‘yung likod ng original. Ito po ‘yung fake. Ganito po ‘yung likod ng fake. So para makita ninyo po. Ayan po ‘yung pagkakaiba ng fake and original pero baka po kasi ‘yung iba sa inyo nakikita ninyo is original boxes ‘yung ino-offer sa inyo or ‘yung nakikita ninyo na mga ads. Tapos darating na lang sa inyo ganito na po itsura. So ‘yun po ‘yung isang klase ng panloloko po na ginagawa po nila,” pagpapaliwanag pa rin ng negosyante.
Malaki rin daw ang pagkakaiba sa presyo.
‘Yung original product niya P350 habang ang peke P175 buy 1 take 1 pa.
Pinag-aaralan na raw nila kung ano ang pwede nilang ikaso sa mga namemeke nito na talamak na sa social media.