Jericho, pinakilig si Kathryn sa kanyang contract signing

Kathryn Bernardo.
STAR/ file

Ang bongga ng suot ni Kathryn Bernardo sa renewal ng contract niya kahapon sa Star Magic.

Of course, maganda si Kathryn at blooming nga ang aktres at tama ang fans nito sa mga comment na parang hindi siya galing sa breakup.

Lalo pang sumaya sa contract signing niya nang lumabas ang VTR ni Jericho Rosales na bukod sa pagko-congratulate, nag-wish na sana magkaroon sila ng chance to work together. Marami ang umaasa nito na matuloy na ito this year sa telebisyon man o pelikula sila magtambal.

Siguradong marami ang kikiligin kapag nagtambal sila, heto nga at sightings pa lang sa kanila, marami na ang kinikilig. Ang lakas daw ng kanilang chemistry kahit may 18 years age gap.

Ang pinakahuling nakitang magkasama sila ay sa gender reveal ng baby nina Maja Salvador at Rambo Nuñez at tiyak na masusundan pa.

Anyway, nagpasalamat ang fans ni Kathryn na hindi isinama ng ABS-CBN sa video clip ng mga nag-congratulate kay Kathryn si Daniel Padilla.

Bea at Dominic, may problema

Naka-off ang comment box sa latest Instagram post ni Dominic Roque na mag-isa siyang nakaupo sa tabing-dagat at tila malalim ang iniisip.

Wala ring caption ang post niya, kaya lalong nag-isip ang netizens kung may problema ba sa relasyon nila ni Bea Alonzo.

Isyu kay Bea ang diumano’y hindi suot ang engagement ring sa mga event na pinupuntahan at sa mga pino-post na photos at videos sa IG. Duda nila may tampuhan ang engaged couple.

Tapos, heto si Dominic, mag-isa sa larawan at siguradong bibigyan na naman ng meaning ng netizens.

Nagtataka lang kami dahil ilang beses nang na-interview si Bea at kahit si Dominc, pero walang makapagtanong kay Bea kung bakit hindi niya suot ang kanyang engagement ring?

Ruru at Raymond, ilalantad ang resulta ng DNA test

Natawa kami sa napanood na video ng Black Rider na kung saan ang DNA test nina Ruru Madrid at Raymond Bagatsing ay si Jessica Soho ang nag-announce.

Kung viewer ka ng Kapuso Mo, Jessica Soho, alam mong may segment ang show niya na naghahanap ng nanay, tatay o kaya’y anak. Laging may pa-DNA test ang mga naghahanap ng nawawalang pamilya para lang malaman kung magkadugo nga ba sila.

Ginawa ‘yun sa Black Rider at ginawang totoong mga tao at hindi lang karakter sa isang TV series ang pagpapa-DNA test ni Edgardo para lang malaman kung tunay niyang anak si Elias. Mas maganda sana kung inilagay sa show ni Jessica ang pagpapa-DNA test ni Edgardo kay Elias.

Show comments