Snow World, handa na sa Chinese New Year at Valentine

Kahit na medyo maginaw pa rin sa atin lalo na sa mada­ling araw, iba pa rin ang feeling na hatid ng tunay na snow, at iyan ay matatagpuan lamang sa Snow World Manila na nakahanda na rin ngayon para salubungin ang year of the dragon at siyempre ang Valentine’s day.

Ilang ulit nang nangyari na habang namamasyal sila sa loob ng Snow World, lumuhod na lang sa yelo ang lalaki at inalok ng kasal ang kanyang girlfriend. Doon nagsimula ang engagement na nauwi sa kasalan.

Sinasabi ng feng shui experts na nangyayari iyan dahil sa “mandarin duck” na nasa may Snow Village. Ang mandarin duck ay sagisag ng pag-iibigang panghabambuhay sa paniwala ng mga taga-silangan, dahil ang mga hayop na iyan ay tapat sa kanilang mga partner habambuhay, at kung mamatay man ang isa, hindi nagtatagal at namamatay rin ang partner.

Kaya nga sa tradisyon laging may mandarin duck sa mga kasalan. Kaya nga sinasabing nagkakaroon din ng “romantic feeling” basta nasa loob ng Snow World.

Bukod doon, nakahanda na rin ang Snow World para salubungin ang Chinese New Year. May mga nakasabit nang chinese lanterns at figures ng dragon, para salubungin ang suwerteng year of the dragon.

Ang Snow World ay bukas mula alas dos ng hapon, Huwebes hanggang Linggo.

Show comments