Carla, matagal nabitin sa kontrata

Carla Abellana at GMA execs

Inamin ni Carla Abellana na hinihintay niya ang muling pagpirma ng kontrata sa GMA 7 na naganap noong Monday at lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang home network.

“This is a very special day for me. Nakakataba ng puso. Ako ang dapat magpasalamat sa trust ninyong lahat and I will take good care of it. I will continue to grow and do my best sa pagiging artista at Kapuso. Ito na ‘yung araw na pinagdasal at hinintay ko. Aalagaan kong mabuti ang opportunity at bagong chapter na ito,” pahayag ng actress pagkatapos ng pirmahan ng kontrata.

The event was attended by GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Exe­cutive Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes, and Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable. Representing Triple A Management were its executives, Michael B. Tuviera, Jojo C. Oconer, and Jacqui L. Cara.

Binigyang diin naman ni Atty. Gozon secret to Carla’s successful career, “Si Carla ay isa sa pinakamagaling, maganda, at popular na artista ngayon kaya kami ay nagagalak na pinili niyang mag-renew sa kanyang home network. Sigurado akong malayo pa ang mararating niya sa showbiz.”

May pagkakataon ngang lumutang na hindi na siya magre-renew sa GMA at mag-iiba ng direction ng career. Pero pinatunayan ni Carla na mas matimbang sa kanya ang mga Kapuso.

Show comments