Kathryn big winner sa gawad Lasallianeta, Alden best actor!

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Big winner si Kathryn Bernardo sa ginanap na Gawad Lasallianeta kahapon sa La Salle Araneta.

Sadly wala si Kathryn. Tho may pinadala siyang representative.

Kabilang sa kanyang napanalunan ang Most Outstang Brand Endorser, Most Outsanding Film Actress and Most Outstanding Filipino Film ang pinagbidahan niyang pelikulang A Very Good Good Girl.

Si Alden Richards naman ang nanalong Most Outstanding Film Actor at si Donny Pangilinan ang Most Outstanding Actor in a Drama Series at si Barbie Forteza ang Most Outstanding Actress in a Drama Series.

Sayang at hindi nila personal na natanggap ang mga nasabing pagkilala ng mga taga-La Salle Araneta.

Ito na ang ika-6th year ng La Salle Araneta na kinikilala ang mahuhusay sa industriya ng movie, TV, radio and print.

Hall of Famer awardee ang Pilipino Star ­NGAYON na 5-time Most Outstanding Print / Digital Tabloid Awardee.

Salamat sa bumubuo ng La Salle Araneta.

Malaking bagay ito sa amin at patunay na print is not yet dead.

Andito pa rin ang print media sa kabila ng matinding kumpetisyon sa social media.

Show comments