Mapurol and dependent pala ang isang beauty queen-turned-actress-host sa idiot board o teleprompter kapag nagbibitiw siya ng spiel sa kinabibilangan niyang show.
Matalino man ang dating niya, pero mahinang kumabisado ng kanyang sasabihin sa segment na ina-assign sa kanya.
Kaya naman sa tuwing sa kanya naka-focus ang camera para magsalita, talagang nasa harap niya ang may hawak ng idiot board o prompter nang sa gayun eh wala siyang makaligtaan sa mga bibitiwang spiel.
Palibhasa maganda ang mukha kaya isinama siya sa show. Eh sa series na kinabibilangan, wala siyang masyadong dayalog, huh!
Miguel at Ysabel, hiwalay muna
Hiwalay ng bansa sa kasalukuyan ang couple na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Nasa South Korea ngayon si Miguel para sa season 2 ng Running Man PH kung saan first time niyang naranasan ang snow dahil winter doon.
Si Ysabel naman, pumunta sa Amerika para dumalo sa Manila International Film Festival kung saan kabilang sa entries ang MMFF Best Picture nila na Firefly.
Balita naming pupunta rin sa MIFF si Dingdong Dantes at iba pang stars ng nakaraang MMFF pero hindi si Marian Rivera.