Natakot sa immigration, ex nag-file ng voluntary deportation
Naiba ang ihip ng hangin kay Pokwang.
Nanghingi siya ng paumanhin sa Bureau of Immigration.
Gamit ang social media, may ilang mga pasaring ang komedyana sa nasabing ahensiya ng pamahalaan kahit nanalo siya sa petition ng pagpapatapon sa ex niyang si William Lee O’Brian na kesyo ba’t andito pa ito sa Pilipinas at baka raw may malakas na kinakapitan.
Baka pinayuhan na mas makakabuti sa kanyang manahimik na tutal ay nakuha na niya ang gusto niya.
“Masaya ako at ang aking mga anak sa naging desisyon ng BI. Sa mga dokumento na dumating sa akin, nalaman ko na naghain ng Motion for Reconsideration si Lee noong December 28, 2023. Buo ang tiwala ko na sa amin pa rin papanig ang hustisya dahil nasa aming panig ang katotohanan.
“Nalaman ko noong isang araw na nagfile din ng Motion for Voluntary Deportation si Lee noong January 10, 2024. Wala pa kaming kopya nitong Motion na ito,” sabi niya pa sa kanyang apology na idinaan din sa social media.
Pero nangatwiran pa rin siya na valid ang kanyang nararamdamang galit pero hindi raw ‘yun sapat para makapagsalita siya ng masasakit na walang basehan partikular na sa BI.
Kaya sabi nga, think before you click.
- Latest