^

PSN Showbiz

CNN, umabot sa P5 bilyon ang utang?!; Donny mina-match kay Atasha

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Magkakaroon daw ng public announcement ang CNN Philippines mamaya after silang mag-off air at tuluyan nang masara dahil sa utang na umabot na ng halos P5B.

Napakababa ng morale ng 300 employees ng istasyon na imimiting pa rin lang as a big group ngayong umaga.

q q q

Ang hirap talagang magbenta ng concert ngayon. Si Gary Valenciano na sa April 26 and 27 pa ang concert sa MOA Arena ay todo promote na ngayong January pa lang ha.

Totoo bang last na ang One Last Time na concert na ito? Sure ka talaga?

q q q

Nang mag-guest si Donny Pangilinan sa Eat Bulaga kamakailan, may mga nagsabi na mukhang bagay rin silang magkapareha ni Atasha Muhlach.

Ano kaya ang masasabi ng mga maka-DonBelle dito?

Mas natural daw kasing sosyal si Atasha? Paano na si Belle?

q q q

Kumusta na kaya si Sharon Cuneta? Maayos ba ang kanyang kalagayan? Na-excite tayo sa posibilidad na may offer siya abroad, pero paano na ang mga project niya rito sa bansa?

Ang bottomline, kumusta na talaga si Shawie? Sana ok siya.

q q q

Balik bansa raw si Bimby Aquino para maging endorser at makatulong sa medical expenses daw ng kanyang ina.

Paano kaya si Bimby rito?

At kung matuloy ang planong palitan ang screen name ni Bimby, ano kaya ang bagay at papatok na screen name para sa bunso ni Kris Aquino?

q q q

May inilabas na listahan ng richest Pinoy celebrities, ang tanong, gaano kaya ka-accurate ito?

Nakakata-quote:

“We will make you a big star.” – Roxy Liquigan, Star Music boss to Christophe Sommereux on his 18th birthday

CNN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with