Carlo at Barbie, nakapasok sa lugar na winasak ng tsunami sa Japan!

Carlo Aquino at Barbie Imperial

Ngayong araw na ang last shooting day nina Carlo Aquino at Barbie Imperial ng pelikula nilang Whispers in the Wind na kinunan sa Iwate, Japan.

Ang Iwate ang isa sa mga lugar sa Japan na nalubog nang tamaan ng tsunami nung 2011.

Tinatalakay ng kuwentong ito ang nabuong pag-ibig ng karakter na ginagampanan nina Carlo at Barbie habang nagmu-move on ang isa sa kanila sa pagpanaw ng mahal sa buhay dahil sa tsunami.

Ang interesting dito, nag-shoot sila sa ground zero ng Iwate na talagang nilimas ng tsunami na ikinasawi ng libu-libong tao.

Sa pelikulang ‘yun ay makikita ang tinatawag nilang wind phone na itinayo roon.

Sa FB post ng MAVX Productions na producer ng naturang pelikula, ipinaliwanag kung ano itong wind phone na sikat sa Japan.

Aniya, “MAVX CEO Erwin Blanco had the priviliege of meeting Itaru Sasaki, the creator of Japan’s famous ‘wind phone,’ an unconnected telephone booth in Otsuchi, Iwate, where visitors can hold-one way conversations with their departed loved ones. It gained significance when it was opened to the public after the 2011 Tohoku earthquake and tsunami that claimed over 15,000 livres.

“Now, the wind phone takes center stage in Mavx Productions, Inc.’s upcoming film, Whispers in The Wind, starring Barbie Imperial and Carlo Aquino. The film draws inspiration from the events of the 2011 tragedy.

“During the conversation, Sasaki noted that Whispers In The Wind is the first feature film he approved for licensing and use of the wind phone, owing to its compelling script and poignant narrative.”

Nasa Fukuoka, Japan kami nang nakausap ko sa telepono ang producer ng Mavx na si Erwin Blanco. Sasadyain sana namin sila sa lugar na pinagsyu­tingan nila. Pero aabot pala ng 19 hours ang biyahe mula Fukuoka hanggang Iwate. Kaya hindi na kami tumuloy.

Nagpasalamat lang siya na ibinigay sa kanya ang copyright ng wind phone, dahil nagandahan daw ang may-ari nito sa kuwento ng pelikula.

Meron daw kasing isang Hollywood film na gustong gawin ‘yun, pero hindi raw ibinigay ang copyright.

Kaya very smooth daw ang shooting nila dahil sa kooperasyong ibinigay ni Sasaki para sa wind phone na ‘yun.

Hindi pa raw alam ng taga-Mavx kung kailan nila ito ipalalabas, pero marami ang nagsasabing i-submit na nila ito para sa Metro Manila Film Festival 2024.

Ejay, ‘di pa kapuso!

Natutuwa si Sen. Bong Revilla Jr. nang nakausap ko nung Biyernes pagkatapos ng media conference ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na nasa season 2 na.

Mas maraming artistang involved ngayong season 2 kesa sa unang season na ginawa nila.

Isa sa stars na kasali rito ay ang Vice Governor ng Pola, Oriental Mindoro na si Ejay Falcon. First project ito ni Ejay sa GMA 7, kaya ang tanong ng karamihan kung magiging Kapuso na ba siya.

Tapos na ang kontrata niya sa Star Magic at wala na rin siya sa management team ni Perry Lansigan.

“Hindi pa lang ako nakaka-sign ng kontrata sa Star Magic. Pero masasabi ko na Star Magic, ‘di ba po? Wala lang kontrata.

“Kasi baka mamaya… ayoko namang parang, ‘di ba… ‘yung pakiramdam na… sinasabi ko na Star Magic, e, wala nga po akong kontrata. Anong gagawin ko, ‘di ba?

“Ayoko namang mag-assume na ganun. Pangit naman para sa akin, ‘di ba? Dun lang tayo sa totoo,” sabi pa ng actor/politician.

Pero ngayong mapapanood na siya sa GMA, maituturing na ba siyang Kapuso artist?

“Ano lang po, kaibigan,” napangiting sagot ni Ejay.

Sa Feb. 4 ng 7:15 p.m. na mapapanood ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, na mas maaksyon at punung-puno ng katatawanan.

Show comments