Sarah, ‘di na apektado sa pagiging waldas

Sarah Lahbati.
STAR/ File

Hindi pala nagbabasa ng online comments ang aktres na si Sarah Lahbati pero narinig niya ang tungkol sa titulo niyang Patron Saint of Waldas sa mga kaibigan at kung saan-saan niya ito nakikita.

Maaalalang nagsalita nga raw ang biyenan niyang si Annabelle Rama tungkol sa kanyang pagwawaldas sa halip na nagtratrabaho nang matanong siya tungkol sa hiwalayan ni Sarah at ng anak niyang si Richard Gutierrez.

Hindi naman na raw sineseryoso ng nanay nina Zion at Kai ang mga ganito at tinatawanan na lamang daw niya ito.

Kung seseryosohin daw niya ang mga ganitong bagay ay mababaliw raw siya.

Wala naman daw kasi masama sa paggasta sa pinaghirapang pera.

Hindi pa nagsasalita ang mag-asawa tungkol sa napapabalitang hiwalayan nila pero nag-unfollow na sila sa isa’t isa kamakailan.

‘Kaloka.

Ronaldo, ‘di tinulungan ng mga manonood

Malungkot ako sa balitang mahina na naman ang mga kinita ng mga inilabas na bagong local movies. Kahit na nga raw ‘yung last movie ni Ronaldo Valdez hindi maganda ang resulta sa sinehan.

So sad na ganito na naman ang mga nagaganap sa showbiz. Sana naman gaya noong MMFF na tinanggap ng mga manonood ang mga pelikula na inilabas, maging ganun din ang maging kita ng mga pelikula ngayon.

Sayang naman kung manghina ulit ang loob ng producers dahil sa kawalan ng interest ng mga manonood. Hindi naman siguro gugustuhin ng marami na mawala nang tuluyan ang local movies. Para ngang sa TV na lang gustong manood ng local shows ng followers ng stars. Hindi naman pupuwede na iyon na lang ang suportahan ng mga mahilig sa local shows. Dapat din silang manood ng sine dahil iyon ang mas gugustuhin ng local producers.

Tulungan natin noh or else…

Show comments