Namili ng music equipments...Mark Bautista, magdidirek na!

Mark Bautista

Totoo kaya ang balitang unti-unti nang nalalagasan ng endorsements si Daniel Padilla at ang iba’y hindi na nagrerenew, habang si Kathryn Bernardo naman ay nadadagdagan pa?

Ganu’n ba talaga kapag naghihiwalay ang isang showbiz couple, mas ang simpatiya sa kababaihan?

Totoo ngang “limited funds” ang dahilan kung bakit tinurn-down ng FDCP ang short films para sa Cannes.

Humihingi raw ito ng 2M at totoo kayang ang sumalo ay hindi si Liza Diño kundi ang Dapitan Film Council at ang Epicmedia ang magte-take ng lead?

Pa yummy ba si Rannie Raymundo sa kanyang 56th birthday posts? Bubuhayin ba niya ang pangungulekta ng underwear tulad noong kabataan niya nang minsan siya’y naging desirable - or sadyang Why Can’t It Be na, Rannie?

Ngayong nabili na ng PLDT ang Skycable sa halagang P6.75B, ibig bang sabihin, gaganda na ba ang serbisyo ng SkyCable? Magkakaroon ba ng merger ang SkyCable at Cignal kung sakali?

Direktor na rin si Mark Bautista? Siya ang nakatakdang magdirek ng Mr. Streisand sa Feb 10 sa Music Museum. Does this mean dito na magcoconcentrate si Mark, at backseat na ang pagkanta?

At parang marami siyang pera lately? Talaga bang bumili si Mark ng mga music equipment na kailangan sa pagreinforce ng sound system kapag concerts and music events at ito na rin talaga ang bagong business niya?

Nakakata-quote:

I do not get mad! I cancel! Permanently! - Direk Jose Javier Reyes

Show comments