Pumanaw na ang award-winning cinematographer na si Romy V. Vitug.
Siya ay 86.
Ang pagkamatay ni Romy ay kinumpirma ng kanyang anak na si Dana Vitug Taylor, sa isang social media post noong Enero 18.
Hindi dinetalye ni Dana ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang tatay.
Habang sinusulat namin ito ay wala ibang info tungkol sa mga detalye ng wake.
Narito ang buong post ng anak ng mahusay na cinematographer:
“This morning at 6:11pm Philippine time, my TATAY, Romy V Vitug, passed away. He was known as the Legendary Cinematographer in the Philippines world of cinema, but we have known him as our Dearly Beloved Tatay.
“Please pray for me and my Family that God’s peace and comfort be upon us as we grieve and mourn for the loss of our Dearly Beloved Tatay.
“Tatay, we will surely miss you. We love you so much! This is not a goodbye but rather until we meet again!”
Emosyonal naman si Direk Joel Lamangan sa pagkawala ng mahusay na cinematographer:
“ Paalam Romy Vitug! Isa na namang ICON ng pelikulang Pilipino ang namaalam Hindi matatawaran ang iniwang ”legacy ni Romy sa sining ng pelikulang Pinoy. Si Romy ang cinematographer ng mga pelikula kong kinilala dito sa ating bayan at sa ibang bansa! kabilang dito ang The Flor ContemplacionStory, Bakit May Kahapon Pa, Pangako ng Kahapon, Ngayon at Kailan Man, Hihintayin kita sa Langit, Muling Umawit ang Puso, Sara Balabagan Story, Pusong Mamon, atbp Obra na kumilala sa kahusayan niya sa pagiilaw ng mga eksena. Parating makabuluhan ang nangyayaring usapan bago makunan ang eksena.
“Inaalam niya talaga ang intensiyon at layunin ng director bago siya magi-law. Pinanonood niya ang galawan ng mga artistsa sa eksena, kinikilala niya ang objektibo ng buong ekse na, ang emosyong kinakailangan, Metikoloso siya sa pagiilaw, dahil gusto niyang maibigay ng tama at lohikal ang ilaw na tumutugma sa perspektibang ginagamit ng lente ng kamera. Mahusay siyang sinematograper! Mabuti siyan tao, ayaw niyang may minamaliit sa kanyang mga tauhan. Mapagkumbaba di mo makakakitaanng pagmamalaki, nakatapak ang paa sa lupa. Ma mi miss natin si Ka Romy, Sana ay makatulong sa mga kabataang sinematograper o kamera man ang mga iniwang legacy ni Ka Romy! Hinding hindi mawawala sa aking alaala ang isang ROMY VITUG!!!,” buong post ng batikang direktor.