Maricel, napanganga at napatulala sa serye nila ni Kim!

Maricel Soriano.
STAR/ File

Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa TV5 ang Linlang the Teleserye Version na pinagbibidahan nina Kim Chiu, JM de Guzman at Paulo Avelino. Matatandaang pumatok ang serye sa Prime Video noong isang taon. Kabilang din sa naturang programa si Maricel Soriano.

Hindi raw inakala ng Diamond Star na magiging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang proyekto. “Nakanganga ako noon, ‘yung tulala. Siya nga ba? Sabi ko, ‘Totoo ba ito o chika-chika lang tayo?’ Pero totoo raw kaya sabi ko, ‘Ay! Ang ganda naman ng nangyari,” nakangiting kwento ni Maricel.

Ayon sa beteranang aktres ay malaki ang pagkakaiba ng teleserye version ng Linlang kaya dapat itong pakaabangan ng mga tagahanga. “Sigurado iba ‘yung dito (sa TV), iba ‘yung sa kanila (sa Prime Video), kasi isang oras ‘yon eh. At saka may araw lang (tuwing Huwebes sa Prime Video), dito everyday mapapanood, ‘Yung turn-about ng mga pangyayari talagang si God lang ang pwedeng makaalam lang noon. Kaya gulatan factor ‘yung nangyari sa amin, nagkagulatan,” pagbabahagi niya.

Mainit na pinag-usapan ang eksenang sinampal-sampal ni Maricel si Kim sa Linlang. Bukod dito ay mas marami pang dapat abangang mga tagpo sa kanilang serye ngayon ayon sa aktres. “Positive ako na mas magugustuhan n’yo ito. Kung nagustuhan n’yo ‘yung doon sa ibang bansa maganda ‘yon. Pero iba naman tayong mga Pinoy, hindi ba? So, sa tingin ko mas maiiyak kayo rito,” giit ng Diamond Star.

Loisa, pangarap ang sex...

Magtatapos na ngayong Biyernes ang Pira-Pirasong Paraiso kung saan kabilang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.Magkakanya-kanya munang mga proyekto ang magkasintahan sa susunod nilang gagawin.

Nangangarap ang aktres na makagawa ng isang proyektong ibang-iba ang tema kumpara sa kanyang mga nagawa na noon.“Gusto ko magka-work kaming girls, mga Sex & the City peg. Na-enjoy ko itong Pira-Pirasong Paraiso, ‘di love story, family (drama) siya,” pahayag ng dalaga.

Matagal na umanong napag-usapan ng magkasintahan ang tungkol sa paghihiwalay nila sa mga proyektong gagawin. Naniniwala rin si Ronnie na talagang malaki ang matitutulong ng kanilang plano para sa kanya-kanyang career.

Bukas din sa posibilidad ang binata na gumawa ng BL o boy’s love ang tema.

Walang problema kay Ronnie kung kapwa-lalaki ang kanyang makakatambal sa susunod na proyekto. “Ako, hindi ako namimili kung sino bigay nila or isama sa akin, whether girl or ensemble. BL, kasama ko pa si KD (Estrada) at Joseph (Marco),” pagtatapat ng aktor. (Reports from JCC)

Show comments