Dahil sa pangakong rampa sa Paris… Joel Cruz, kinasuhan ng estafa ang mga dating kaibigan!
Kasong Estafa ang isinampa ng negosyante at tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz laban sa dating kaibigang socialite na si Becky Garcia at kilalang designer na si Albert Andrada.
Damay rin sa kaso ang kasamahan ng dalawa niyang kaibigang sina Angel de Jesus, Lawrence Plata at Roda Agasen.
Ito’y kaugnay sa pangako nina Albert at Becky na rarampa sila ng walo niyang anak sa Paris Fashion Week. Nakatakda raw mag-fashion show doon si Albert Andrada sa Westin Vendrome Paris.
Nakausap namin si Joel sa programa namin sa DZRH nung Miyerkules at isinalaysay niya kung ano ang nangyari na nahingan siya ng grupo nina Becky at Albert ng apat na milyong piso para makasama sa sinasabi nilang show sa Paris Fashion Week.
“Ang problema, January 2023 ‘yung fashion show sa Paris. May ticket na kami, business class na ‘yung mga anak ko, saka ‘yung mga alalay ng mga anak ko, e walo ‘yung bata, kasama ‘yung mga pamangkin ko, kapatid ko kasama ‘yung yaya. Siguro mga 18 o 21 kami.
“Nung nalaman kong cancelled, e wala may ticket na kami. So, pina-refund ko ‘yung tickets sa Emirates.
“May penalty na kami almost P500K.
“Hanggang sa sinabi nila July daw ‘yung fashion show, July last year. So, mga June pa lang, towards the end of June pumunta na kami ng Paris. Emirates din, stopover Dubai. Pag-land namin ng Dubai, naka-receive ako ng message na cancelled na naman ‘yung show.
“Nasa Dubai na kami, tapos mga ilang minuto na lang papunta na kami ng Paris. Sabi ko, sana sinabi n’yo naman sa akin earlier para hindi na kami bumiyahe pa.”
Ang laki raw ng nagastos nila sa biyaheng ‘yun na wala naman silang nasalihang show o na-experience sa Paris Fashion Week.
Pagbalik daw niya ng Pilipinas, nagkausap daw sila at nangako raw ang kampo nina Becky at Albert na babayaran nila ang mga nagastos niya.
Nag-commit daw na ibabalik nila ‘yung P4 million at pati ang nagastos sa ticket at iba pang expenses, na umabot daw ng P8 million. “Nalaman ko na lang na meron din pala silang ibang nabiktima na nahingan din nila ng pera na hindi rin nababalik ‘yung pera,” sabi pa ni Joel.
Kaya nag-decide na raw siyang magdemanda.
Hiyang-hiya na raw siya sa mga anak niya dahil alam na raw sa school ng mga bata na rarampa sila sa Paris Fashion Week, at wala man lang daw silang maipakitang pictures o video nang ginawa nila sa Paris.
Hindi na raw nakipag-usap sa kanya itong mga kaibigan niya, lalo na raw si Becky Garcia na isinasama pa raw niya ito sa ilang biyahe nila sa ibang bansa na libre lahat.
Hindi na raw nakipag-ugnayan sa kanya, kaya idinemanda na niya ito.
Nag-file siya ng kasong Estafa sa Manila Regional Trial Court.
Sabi pa ni Joel, kung ibabalik daw sa kanya ang perang ipinangako nilang P8 million, baka iuurong na raw niya ang demanda.
Bukas ang pahinang ito sa panig nina Becky Garcia, Albert Andrada at iba pa nilang kasama.
Dingdong, todo pasalamat kay lods
Ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang dineklarang highest grossing film of all time, dahil sa domestic release pa lang nito ay umabot na ng P845 million.
Tinalbugan nito ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na mahigit P600 million ang kinita dito sa Pilipinas.
Pero kung worldwide na ang usapan, lamang pa rin naman Hello, Love. Goodbye dahli mahigit P880 million ang kinita nito.
Pero nagsimula nang mag-showing ngayon sa ibang bansa ang Rewind. Kaya konting-konti na lang, tatalbugan na nito ang HLG ng KathDen.
Simula kahapon ay showing na sa Australia, New Zealand at Singapore ang Rewind.
Noong Enero 14 ay nag-special screening ito sa Rome, Italy. Sa Enero 21 ay sa Milan naman ito mag-i-special screening, at sa Feb. 9 ay palabas naman ito sa West California.
Hiningan namin ng pahayag si Dingdong kaungay dito, at tinanong na rin namin kung tuluy-tuloy na ba ang pagpu-produce ng Agosto Dos.
Narito ang kabuuan ng statement ni Dingdong Dantes, “We appreciate the love and overwhelming response from our audience, contributing to the success of ‘Rewind’ and the entire MMFF 2023.
“This achievement reflects our commitment to collaboration, evident in Agosto Dos Pictures’ partnership with Star Cinema since 2011 and our ongoing collaboration with APT Entertainment and GMA Network for the series Jose and Maria’s Bonggang Villa.
“Our common goal is to produce engaging, inspiring, and informative content that showcases values through entertainment. The success of Rewind is a collective accomplishment with all its creators in front of and behind the camera.
“We extend our gratitude to the audience for their tremendous support, motivating us to consistently deliver quality material resonating with Filipino viewers.
“Recognizing that success is a collaborative effort involving everyone on and off-screen, we emphasize the importance of a unified industry approach, at siyempre dahil din ang lahat ng ito ay galing kay Lods! (celebration and positive vibes emoji).
“So while celebrating the MMFF’s success, we encourage ongoing support for local cinema, assuring the audience that their investment will yield entertaining and meaningful content.
“Mabuhay and Pelikulang Pilipino. Salamat Lods!”
- Latest