Ruffa, inaming hindi pa nawawalan ng period
MANILA, Philippines — May sagot si Ruffa Gutierrez sa tsikang buntis siya sa pulitiko-actor at nabasa namin ang sagot niya na pinost ni director Darryl Yap sa kanyang Facebook page.
Ipinadala yata ni Direk Darryl ang screenshot ng balitang nagtatanong kung totoong buntis siya?
Sagot ni Ruffa, “Grabeeee!!! I miss you direk! When are you free for dinner???” Saka sinundan ng comment na “Wellll I still have my period every month hahaha pero I don’t think I’m pregnant. Kaloka naman yan!!!”
Very Ruffa ang sagot at parang naririnig namin kung paano nito sinagot ang tanong na tiyak, may kasamang sigaw.
Pokwang, ginagalit ang supporters ng x
Parehong binati ng estranged partner na sina Pokwang at Lee O’ Brian ang anak nilang si Malia na nag-birthday kahapon.
Una naming nakita ang birthday message ni Lee na kung saan, nag-post siya ng photos ng anak at sinundan ng heartwarming birthday message.
“Happy birthday, sweet Malia my love @malia_obrian!! Wishing you the very best in life and so many more blessings and happiness. I love you so much! Six years ago today was the best moment of my life and I have been so proud of you every moment since then. Enjoy your day to the fullest because you deserve the absolute best!!! Love you, sweethearts!! And Nana, Grandpa and Tita love you too!!”
Si Pokwang naman, sa kanyang IG Story binati ang anak. “Mahal na mahal ka ni Mama.”
Photos naman mula noong buntis pa siya kay Malia, noong baby pa ito ang pinost ni Pokwang.
Sa IG ni Lee, may nag-comment na kunin nito si Malia at sa US palakihin para sigurado ang future.
May binanggit pa itong kunin ni Lee ang lahat ng properties ni Pokwang at ibenta at 70 percent sa kanya. Huwag daw siyang patatalo.
Hindi pa nababasa ni Pokwang ang comment na ito dahil kapag nabasa niya, lagot ang nag-comment. Ang netizens na ang nagsabi sa defender ni Lee na wala itong makukuha na property ni Pokwang dahil hindi sila kasal.
Speaking of Pokwang, kasama na siya sa Season 2 ng Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0 bilang si Tiffany, ang owner ng kakumpetensya ng negosyo nina Jose (Dingdong Dantes) at Maria (Marian Rivera). Ang ganda ng pangalan ng BnB business nito na tinawag na Bed & Breakfast @Tiffany’s.
Sa direction ni John Sweet Lapus, mapapanood ang sitcom, every Saturday, 6:15 p.m., sa GMA 7, simula sa January 20.
Piolo, kinontra sa biopic ni FM!
Grabe ang reaction ng netizens sa pahayag ni Piolo Pascual na gusto niyang gampanan ang role ni former president Ferdinand Marcos Sr. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi ito ni Piolo.
Marami ang kumontra at marami ang nasabi sa pahayag niya sa presson ng Pamilya Sagrado.
Sabi kasi ni Piolo, “I expressed my intention to do a Marcos biopic. Ferdinand Marcos, I mean the former president. Kasi I grew up in that era, I was born in the ‘70s, he was still the president back then up to the ‘80s. I grew up, my mom was working in Malacañang, so he was a prominent figure in my childhood.”
Sa isang presscon ni Piolo ito unang binanggit.
Ilang sa mga comment sa pahayag niya na ito ang nagsabing kapag ginawa niya ito, malalaos siya. Hindi raw nito alam ang damage and harm na ginawa ng Marcoses sa bansa natin.
May nagpaalala rin sa kanya na kasama siya sa anti-Marcos movie na Dekada ‘70 at gumanap din siya bilang si Ninoy Aquino sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
May nagpaalala rin sa kanya na maging handa sa anti-Marcos feedback from the people kapag natuloy o itinuloy niya ang kagustuhang gampanan si former president Marcos Sr.
Sigurado raw na hindi siya titigilan, pero mukhang desidido na si Piolo rito at hintayin na lang natin.
- Latest