Mga bagong segment ng Showtime, naka-200k views!

MANILA, Philippines — Mas maraming madlang people ang patuloy na sumusubaybay at sinasamahan ang pamilya ng It’s Showtime dahil sa kanilang hit at bagong segments na EXpecially For You at Karaokids kaya naman tumabo na sa higit 200,000 ang kanilang peak online views at consistent din sila sa trending list araw-araw.

Umaapaw nga ang positive feedback na natatanggap ng programa sa parehas nitong bagong segments.

Labis ngang kinasasaya ng netizens ang  paghuhula ng It’s Showtime hosts sa titulo ng mga pine-perform ng kids sa Karaokids samantalang binigyang-diin nila ang nabibigay na aral at leksyon ng mga storya ng dating magkasintahan sa EXpecially For You pati na rin sa mga diskusyon mismo ng hosts ng programa. 

Dahil sa pagiging invested ng viewers sa Expecially For You, mas pinadali na ng programa ang pagshe-share ng madlang people ng kanilang love stories sa pamamagitan ng Expecial Files. Nasa kanila ang desisyon kung ishe-share nila ito anonymously at payagan ang It’s Showtime na i-post ito sa kanilang social media accounts o mapabilang sa possible ex-couples na mapapanood ng live sa studio. 

Bukod naman sa kinagigiliwang bagong segments, inaabangan na rin ng madlang people ang bagong kampeon na kanilang makikilala sa susunod na linggo. Huwag palampasin kung sinu-sino sa natitirang semifinalists ang matitira at maghaharap-harap sa nalalapit na Huling Tapatan ng ikapitong season ng Tawag ng Tanghalan.

Makisaya sa It’s Showtime, 11:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 nn tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Show comments