Ano ang nangyayari kay Ian Veneracion? Nang sumambulat ang issue ng pagcha-charge niya ng half a million na talent fee para sa isang two-hour parade sa Tarlac ngayong last week of January, na may P100K na dagdag for every hour na extension, marami ang nagtatanong, worth it ba si Ian doon?
Ayan tuloy, nang umayaw na ang client nila at sinabing iba na lang ang kukunin, bakit puwede naman palang walang unnecessary demands tulad ng extension fee?
Ang tanong ba, pakana ba ito ni Ian mismo o ng bagong handler/manager nito?
Ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Ogie Alcasid na dating nag-manage ng career ni Ian at naging kasama sa Kilabotitos concerts?
Totoo bang nagsarili si Ian at ang kinuhang handler ay tao rin ni Ogie from ATeam?
Ni wala tayong narinig na masama kay Ogie about Ian at all, pero pagkatapos ng mga nangyaring ganito, magsasama pa kaya sila sa isang project if ever?
q q q
Sa mga nakapanood ng pelikulang Roadtrip nina Janice de Belen, Gelli de Belen, Carmina Villarroel at Candy Pangilinan, kailangan ba talaga ang flashback tampok ang young counterparts na ‘di magtugma sa mga bida?
Tuloy sabi ng marami, parang lalo pa silang nakagulo sa kuwento at puwede ba namang mag-survive ang pelikula kahit wala itong sina Abby Bautista, Yumi Garcia, Ashtine Olviga at Heart Ryan? Tuloy, kinailangan talagang lagyan ng gfx nameplate ng karakter nila sa movie kundi ay malilito ka kung who’s who sila sa kuwento.
Anyare ba?
Magbabalik na naman daw ang Box Office Awards kasi buhay na naman ang takilya, thank you sa Metro Manila Film Festival?
Pero sa Guillermo Memorial Scholarship Foundation pa rin ba?
‘Di ba’t ok rin kung galing sa industriya ng pelikula mismo ang parangal, para na rin hindi maging fans day ng mga taga-Bulacan ang seremonya like before?
Osang, naliitan sa paulam ni Joseph Marco!
Nagkasabay raw si Rosanna Roces ng pagwo-workout at pagsu-sunbathing ni Joseph Marco sa taping nila noon.
At hinamon ni Osang na ipa-sight ni Joseph ang kanyang paulam. Baka kapiranggot lang?
Ang tanong eh, lubos bang pinagpala si Joseph?
Sabi ni Osang, nakalimutan ko na. Nakalimutan? Hahaha. Sakto-sakto lang daw.
Ano kaya ang sakto lang sa isang Osang?
NAKAKATA-QUOTE:
“I want to make more good films. Significant films. Even short films. I am even ready to go back to theater.” – Charo Santos-Concio