‘Di sa mga bag at sapatos… Dimples, sa furniture nag-i-invest

Dimples Romana

MANILA, Philippines — Mas nag-i-invest si Dimples Romana sa furnitures kesa sa mga personal stuff like bags and shoes.

Ito ang sagot niya nang tanungin namin kung may collection din ba siya tulad ng ibang artista na super collect ng mga mamahaling bag at sapatos.

“Depende po. Hindi ako sa shoes, dati bags, depende sa quality. Hindi ako masyado sa brand eh.”

Sa mga bag?

“Parang tumigil na kasi ako simula nung lumipat si Capt (Callie) eh,” referring to her eldest daughter na nag-aaral ng pagpipiloto sa Australia.

Mga shoes?

“Hindi rin po eh. Puro mga tuition po inaasikaso. ‘Yun po ‘yung totoo,” pag-amin ni Dimples.

“Ah kung luxury, I would say I like furniture a lot… so I would splurge on furniture that feeling ko mapapamana ko. So it can be a really good Italian brand, it could also be a really good Filipino brand I’m associated. ‘Yon, puro furniture po para sa mga tahanan,” sabi pa ng actress nang makausap namin sa press launching bilang newest face ng Luxe Skin’s Collavera Collagen Drink.

Show comments