Bong, mabilis tumulong
MANILA, Philippines — Alam n’yo ba na ako na yata ang pinaka-proud na tao ngayon dahil alaga ko si Bong Revilla.
Si Bong ang talagang nagpakita ng concern at malasakit sa aming mga kasamahang showbiz writers. Talagang hindi siya katulad ng iba na laging huli kung mag-alok ng tulong.
He is never a minute late, on time niya ibinibigay. I never thought na ganun kabukas ang mga kamay niya, at napaka-sincere ng puso niya.
Napatunayan iyan kay Ethel Ramos, at ngayon kay Mario Bautista. Para kay Ethel at Mario, ako na ang nagpapasalamat kay Bong sa malasakit na ipinakita niya. Kaya naman malapit ang biyaya ng langit kay Bong dahil na rin sa taos puso niyang kabaitan.
Kaya naman marami ang nagdarasal sa kanyang tagumpay dahil nga dama mo ang sinseridad sa kanya.
I am so proud to have met you in my life, Bong.
Napatunayan ko na sa showbiz meron pa ring mga tao na may puso sa pagtulong, at hindi madamot magpakita ng pagmamahal.
You will always be blessed dahil hindi naman makakalimot ang mga tao na nakatikim ng maganda mong puso.
Koreanovela, masarap habulin ang mga eksena
Naghahabol ako sa pinapanood kong Koreanovela.
Ang nakakaloka, bakit hindi ko na lang daw ipa-download para mapanood ko nang buo. Gusto ko ‘yung thrill na hinahabol ko siya sa TV para mapanood. Iyon bang nae-excite ako na baka hindi ko abutan ang airing.
At lalong excited ako kung ano ang magiging ending. Hah hah, iyon na lang ang mental challenge ko dahil wala namang masyadong happening sa showbiz.
Saka hanggang ngayon talagang meron pa ring cloud of sadness akong nadarama dahil sa mga pangyayari around us.
Kaya nga basta may invite ng lunch talagang yes agad ang sagot ko dahil kahit paano meron akong deviation.
- Latest