Indecent proposal ng aktor, sinopla ng hotel staff!

MANILA, Philippines — Isang kaibigan ang nagkuwento sa aming lumalabas pala ang tunay na pagkatao ng magaling na aktor kapag nasa ibang lugar siya.

Nasa isang out of town event daw itong si magaling na aktor nang may natipuhan daw siyang guwapong staff sa hotel na tinutuluyan nila.

Hindi raw tinigilan ni magaling na aktor, diniretsa raw niya itong type niya at hindi nga lang nalaman ng aming source kung paano diniskartehan ni magaling na aktor itong boylet na staff ng hotel.

Kasi hindi raw umubra ang pagiging artista ni magaling na aktor. Hindi raw umepek kay boylet kahit kilala siya at guwapo naman at mestiso si magaling na aktor.

Dinedma raw ang indecent proposal ni magaling na aktor, dahil straight daw talaga si staff at hindi siya pumapatol sa bading kahit kilala ka pang aktor.

Ayun! Natsismis siya tuloy.

Hanggang tsismis lang ‘yun. Hindi pa rin naman nag-a-out si magaling na aktor, kahit minsan ay lumalabas ang pilantik ng daliri.

Alessandra, laging automatic kay Empoy

Nakatsikahan namin ang AlEmpoy loveteam na Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa DZRH pagkatapos ng taping ng bagong sitcom nila sa Net 25 na May for Ever.

Akala namin May Forever na hugot line ng magdyowa, ‘yun pala si May ang role dito ni Alessandra at si Ever naman si Empoy.

Year 2064 daw ang setting ng kanilang sitcom na mahigit 80 years old na raw siya. Mala-Back to the Future ang tipo ng kuwento o nag-rewind sa taong 2024, kung paano sila nagkakilala at nagkainlaban.

Kapag si Empoy ang partner, tinatanggap ni Alex ang project.

“Yes! Parang ‘pag may Empoy parang automatic, one foot in ka na. Pero depende pa rin siyempre sa material, sa ipapagawa ganyan. Pero ito napakasimple, napakasaya siya. Turf ni Empoy to, comedy. Hindi siya masyadong nahihirapan.

“Sana may forever sa show na ‘to. Masaya lang e,” sabi naman ni Alessandra.

Magsisimula na ang May For Ever sa Jan. 20, 7 ng gabi sa Net 25.

Hindi si Alex ‘yung tipong tanggap ng tanggap ng projects. Kapag gusto raw niya ang material, puwede siyang mag-adjust ng talent fee.

Pero para kay Alex, kapag si Empoy o Piolo Pascual ang kasama niya, sobra siyang komportable.

Kaya tinanong na rin namin kung kanino siya nag close – kay Empoy o Papa. “Mas madalas ko talagang kausap si Empoy. At saka mas madalas ko siyang kasama, ‘yung ganun.

“Pero wala namang ano, mas ‘yung ganun. Napaka-busy ding tao ni Piolo,” sagot sa amin ni Alex.

Si Piolo ang ka-partner niyang dumalo sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival. Pareho silang may entry at masayang experience daw ‘yun.

Ngayon lang daw niya na-enjoy ang MMFF, dahil sobrang bagets pa raw siya nung may pelikula siyang kalahok.

Ilang beses na umiiling si Alessandra nang tinanong ko kung na-disappoint ba siyang hindi niya nakuha ang Best Supporting Actress na award.

Hindi naman daw niya maikukumpara ang sarili sa ibang nominees dahil wala naman daw siyang ibang MMFF entry na napanood, kundi ang pelikula lang niyang Firefly.

Show comments