^

PSN Showbiz

Kim, handa na ulit magka-jowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, handa na ulit magka-jowa
Kim Chiu

Bago mag-Pasko ay kinumpirma ni Kim Chiu sa pamamagitan ng isang Instagram post na nagkahiwalay na sila ni Xian Lim.

Hindi na ikinagulat ng netizens ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa dahil matagal na rin itong bulung-bulungan sa apat na sulok ng show business.

Tumagal nang halos 12 taon ang relasyon ng dating magkasintahan.

Sa ginanap na media conference para sa teleseryeng Linlang kamakailan ay matapang na sinagot ng aktres ang tanong na ‘Nalinlang ka na ba sa pag-ibig?’ “Lahat naman tayo naloko sa pag-ibig. Kasi wala, nagmahal ka eh. Siyempre magsu-shoot ka talaga sa mundo ng kalokohan. Pero that’s part of life, part of growth. So, embrace the pain and learn something from that experience and then you are good to go,” paglalahad ni Kim.

Ngayong taon ay nakahanda na umanong pumasok ang dalaga sa isang bagong relasyon. “Oo naman, ‘di man sa ngayon muna, pero hopefully in the next months to come. Kasi ang love naman, marami namang kayang magbigay ng love. And willing naman ako tumanggap. Basta kasali sa buhay ‘yon. I-embrace nating lahat,” pagtatapat ng aktres.

Kyline, nakilala na ang sarili

Masaya ang naging pasok ng bagong taon para kay Kyline Alcantara.

Isang bagong serye ang pinaghahandaan na ngayon ng Kapuso actress. “Sobrang saya ng start ng 2024. I can feel that there’s good energy this 2024,” bungad ni Kyline.

Matapos magbida sa ilang serye ng GMA ay muling gaganap bilang isang kontrabida ang dalaga.

Aminado si Kyline na talagang hinahanap-hanap niya ang pagganap bilang isang kontrabida sa mga proyekto. “I’m really looking forward to it. I’m really excited for that. Kasi pagbabalik na rin sa pagiging kontrabida. So sobra akong nae-excite at kinakabahan kasi matagal-tagal na rin akong hindi naging kontrabida,” pagbabahagi ng dalaga.

Bago magtapos ang 2023 ay pumutok ang balitang nagkahiwalay na diumano ang aktres at si Mavy Legaspi. Wala pa mang kumpirmasyon mula sa dalawa at hindi naman daw magiging problema kung sakaling magkaroon ng bagong katambal ang dalaga. “We’ll never know. But so far, pagiging solo naman kasi na-miss ko rin naman siya. I don’t regret anything na nangyari no’ng 2023. So na-miss ko na magkaroon ako ng partner. It’s part of my career. Of course, I’m looking for positive thing in 2024. 2023, it was a good year. I’ve met the happiest and saddest version of myself and that’s okay. But I am great now. I am thriving,” makahulugang pahayag ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with