Angel, napahanga sa mga ‘senior high’

Angel Aquino

Ngayong Biyernes ay magtatapos na ang Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Kabilang din si Angel Aquino sa natu­rang iWantTFC series.

Ayon sa aktres ay talagang napahanga siya sa galing ng mga kabataang artista sa serye.

Kasamahang bida ni Andrea sina Kyle Echarri, Juan Karlos Labajo, Elijah Canlas, Daniela Stranner, Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.  “It was such an experience. A lot of times we were just watching them. Ang galing-galing kasi nila. We were just so amazed, all of us. I am not only speaking for myself, everyone can agree with me na bilib na bilib kami sa lahat ng mga bata who worked in this show together with us. Every one of them showed really wonderful, great talent and dedication to their work, their craft and their roles. Talagang hinawakan nila ‘yung mga role nila and nobody else can do it better, how they do it,” nakangiting pahayag ni Angel.

Malaki ang pasasalamat ng aktres kay Andrea dahil talagang na-enjoy umano ang lahat ng kanilang ginawang eksena. “I enjoyed doing scenes with Andrea kasi she’s very giving. We fed each other’s emotions. Kung ano binibigay niya, tatanggapin ko lang ‘yon and sana may nabigay din ako sa kanya. We know that we can rely on each other, to salo and support and other and I’m very thankful,” pagbabahagi ng aktres.

Miles at Elijah, nagkakausap na ulit

Kahit nagkahiwalay na ay nanatili naman ang pagiging magkaibigan nina Miles Ocampo at Elijah Canlas. Muli raw nagkakausap ngayon ang dating  magkasintahan. “We started this year na okay kami, nag-uusap na ulit. May mga bagay kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa’t isa. So might as well be friends for now,” pahayag ni Miles sa YouTube channel ni Karen Davila.

Ayon sa dating child star ay iniwan na nila ni Elijah sa nakaraang taon ang lahat ng kanilang naging isyu ng binata.

Aminado si Miles na nagkaroon ng mga pagkukulang sa naging relasyon nila ng aktor. “Of course, sa isang relationship hindi lang naman isang tao, parang you have to make it work, kayong dalawa. Siyempre may mga pagkukulang, ‘yung isa’t isa. Pero I’m happy na naiwan ‘yung lahat ng issue namin sa 2023. Forgiveness naman ang pinakaimportante sa lahat. For myself din, and since I still have love for that person. Lahat naman ng tao nagkakamali, parang dapat lang maging accountable ‘yung mga tao sa mga nagawa nila,” makahulugang pahayag ng dalaga.

Umabot nang mahigit dalawang taon relasyon nina Miles at Elijah. Ngayon ay magagandang alaala lamang ang baon ng aktres mula sa kanilang pinagsamahan ng binata. “First jowa, first everything. May pinagsamahan kami, matagal din kami and kapag gano’n na marami kayong pinagdaanan together. Marami kayong happy memories din together. I have so much love and respect for that person,” giit ng aktres. — Reports from JCC

Show comments