Janno at pamilya, nagde-demand ng public apology sa PNP
Pinipilit ni Janno Gibbs na huwag umiyak sa harap ng media kaugnay sa mga nangyari sa kanyang amang si Ronaldo Valdez.
Pinagpiyestahan sa social media at sa iba pang platforms ang kumalat na video na kuha nung nangyari sa pagpanaw ng amang beteranong actor.
Hindi nagustuhan ni Janno at ng buong pamilya ang pamamaraan nang pag-imbestiga ng PNP at kumalat pa ang video nito.
Bago nagsalita si Janno, binasa muna niya ang official statement kasama ang buong legal team sa ilalim ni Atty. Lorna Kapunan.
Ang nasabing statement ay demand nila ng public apology sa PNP matapos kumalat ang video na nagdulot ng trauma sa actor at sa buong pamilya.
Bahagi ng statement na binasa ni Janno; “We strongly denounce, in the strongest terms possible, the evident mismanagement of the investigation and mishandling of sensitive data, showing apparent lapses and breaches of confidentiality on the part of the investigation team. Such reckless actions by certain individuals in leaking sensitive information are deeply alarming—not just for my family but for society as a whole.
“We therefore demand that the PNP and the officers directly accountable for the lapses in the investigation make a public apology for the breach of trust and the trauma caused to my family.”
Binasa ni Janno sa harap ng media ang ilang ginawang content ng ilang vloggers na pinapalabas na may kinalaman pa siya sa pagpanaw ng kanyang ama.
Ang iba ay ginamit pa ang video ni Ronaldo Valdez na kuha pagkatapos nang ginawa niya, na naging sanhi nang pagpanaw.
Hindi na napigilan ni Janno na umiyak nang magbigay siya ng mensahe sa mga ganitong vlogger na ginagamit pa ang masaklap na nangyari sa kanyang ama, at idinadamay pa siya.
“Kung iisipin n’yo malagim na nga ‘yung nangyari sa amin, ‘yung actual na pangyayari, malagim na, dumoble pa, dinoble pa nila.
“I would like to call out some…some, kasi ang dami, you can’t pinpoint them all. But I would like to call out, some of the vloggers, that…naintindihan ko naman, ‘yun ang trabaho, iyun yung pinagkakakitaan.
“I don’t mind if it were a question mark, or apparently, diumano. Pero ang handling…no question mark. “Those are just some…gusto ko lang sabihin sa inyo yung mga binanggit ko. Ganito na ba kababa, kadesperado ang mga vloggers for likes and views?
“At the expense of our lives, my father reputation, my family. Ganun na ba kadesperado?
“Sa kanilang lahat na mga binanggit ko, pati sa kanilang lahat na netizens na nag-share, nagpasa ng video, I want to say ‘shame on you.’ Or better yet, fuck you. I think that’s the better statement.
“I do not wish on anybody else, that’s why I’m doing this. Ayoko na mangyari sa ibang tao, itong nangyari sa amin,” mahabang pahayag pa ni Janno.
Wala raw silang balak na magsampa ng kaso sa PNP, dahil mauulit na naman daw ang trauma na pinagdaanan niya kapag babalikan pa ang malagim na nangyari.
Ang hinihingi lang niya ay public apology.
Pero sa ilang vloggers na unang naglabas at nagkalat ng video ng namayapang veteran actor, pinag-iisipan na ni Janno at ng buong pamilya na magsampa ng demanda.
Dating taga-star magicmay mga talent na
Nakabibilib ang mga taong pursigidong magtagumpay kahit masasabing kapos pa sila sa resources.
Iyun ang nakikita namin kay Kristian Kabigting ng Asterisk Entertainment na naglunsad ng mga talent nila nung Linggo.
Siyam na taong nagtrabaho si Kristian sa Star Magic Workshop, at doon siya natutong maghanap ng talents at mag-handle ng kanilang career.
Sabi ni Kristian sa nakaraang Kick-Off party nila, hindi raw siya iyung tipong na-attract agad sa mga magagandang mukha na artistahin. Mas tinitingnan daw niya ang attitude at talent ng isang bata.
“Iyun po kasi yung nagla-last e, yung attitude muna and then yung talent,” pakli niya.
Marami siyang mga bagong mukhang ipinakilala at ilan sa mga promising na nakitaan naming may potential at puwedeng mabigyan ng magandang break ay sina Ice Reyes na may role sa Maging Sino Ka Man, Arween Cruz na isa sa mga Starkada ng Net 25 Star Center, Ayumi Takezawa, Kurt Rivera at ang nag-trending sa It’s Showtime na sina Jaja Disuanco at Kyosu Guinto.
Itong sina Jaja at Kyosu ay mag-ex dyowa na pinag-usapan sa social media pagkatapos nilang umapir sa Expecially For You.
Nagkaroon agad sila ng napakaraming fans pagkatapos nilang ibinahagi sa It’s Showtime na mahal pa nila ang isa’t-isa pero hindi pa sila puwedeng mag-kabalikan.
Binuo na silang loveteam ngayon ng Asterisk, dahil sa inaasahan ng mga followers nila na magkabalikan silang dalawa.
Puspusan din ngayong tini-train nina Kristian Kabigting ang isang P Pop group na tinawag nilang Trainee AE.
Natsa-challenge raw sila rito dahil naniniwala silang maghi-hit itong binuo nilang grupo.
- Latest