^

PSN Showbiz

Prinesyuhan ng P6.5 million...Daniel dinidispatsa na ang sports car!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Prinesyuhan ng P6.5 million...Daniel dinidispatsa na ang sports car!
Daniel Padilla

For sale ang red Chevrolet Corvette sports car ni Daniel Padilla for P6.5 million at hindi raw ito ibenebenta ng aktor dahil sa tsikang naghihirap na siya. Ang sabi, nagbabawas lang ng car si Daniel dahil marami na siyang sasakyan at hindi na yata kasya sa kanilang garahe.

Lumapit kay Boss Toyo ang F2A cars, isang car dealer na pinagkatiwalaan yata ni Daniel na ibenta ang sports car niya at in-offer ang sports car. Tinawaran daw ni Boss Toyo ng P5.5 million ang sasakyan at umabot sa P5.8 million ang tawaran na hindi ibinigay ng representative ng F2A cars.

Kumpleto sa papers at naka-rehistro sa pa­ngalan ni Daniel. Nanghinayang daw si Boss Toyo na hindi nabili ang sports car ni Daniel sa gusto niyang presyo.

Samantala, wala raw sa Dubai si Daniel, nasa Japan daw ito at nagbabakasyon lang siguro bago sumabak sa trabaho.

Kathryn, nagka-oras na sa mga kaibigan

Ini-enjoy ni Kathryn Bernardo ang pagiging single at sinasamahan siya ng mga kaibigan. Pinost ng friend niyang si Alora Sasam ang video na nagbo-bowling si Kathryn habang pinapanood nina Alora at Miles Ocampo. Tawa nang tawa ang dalawa dahil epic fail si Kathryn sa pagpapatumba ng bowling pin.

Maririnig ang voice over ni Kathryn na “last na ‘to na magbo-bowling night tayo. Tigilan na ‘to!” habang nagtatawanan ang dalawa niyang kaibigan.

Talagang mapu-frustrate si Kathryn dahil sa gilid ng bowling alley pumupunta ang ball at hindi sa bowling pin. Binuking pa ni Alora na si Kathryn ang nagyayang mag-bowling at ito rin ang unang nag-give up. Sabi nito, last na nila ‘yun at baka nga, first time rin nilang mag-bowling.

Sa isa pang night out with friends, nag-dinner naman sina Kathryn kasama pa rin sina Alora at Miles, Loisa Andalio at ang mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nu?ez at tila imbitasyon ‘yun nina Rambo at Maja.

Siguradong may mga lakad pa si Kathryn with her friends and doing things na ngayon lang niya ginagawa na ‘di niya nagawa na dati dahil sa relasyon si Daniel.

Rabiya, binagayan ng makiling

Tama ang humula na si Rabiya Mateo ang gaganap na si Maria Makiling sa afternoon series ng GMA-7 na Makiling at nagpakita na ang diwata sa episode kahapon ng revenge series.

Pinost ni Rabiya sa Instagram ang photo niya bilang si Maria Makiling.

Naaliw tiyak si Rabiya na basahin ang mga comment.

Bagay daw sa kanya ang nasabing role at ang ganda-ganda niya sa la­rawan na may hawak pang bulaklak. Ang hindi nabanggit ay kung pabalik-balik ang paglabas ni Rabiya bilang si Maria Makiling o isang labasan lang ang mangyayari.

vuukle comment

ACTOR

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with