Kyline, nagiging kamukha ni Maureen Larrazabal; concert ng mga foreign artist, ang bilis na-sold out

Kyline Alcantara
STAR/ File

Bakit ba nauna na ang mga Mario na talagang naging mahalaga sa ating industriya? Mario O’Hara, Mario Hernando, Mario Dumaual at ngayon, si Tito Mario Bautista, paano na?

At kahit na with a “Y” – si Direk Maryo J. , Y o why? Nakaka-miss kayong lahat!!!

***

Nag-last day na kahapon ang Metro Manila Film Festival 2023 entries pero bakit meron pa rin sa kanilang matitira sa mga sinehan? Ibig bang sabihin na kahit hindi maglabas ang MMFF Execom ng ranking ng pelikula, kitang-kita naman na ang nangunguna sa takilya (sa rami pa rin ng pinaglalabasan na sinehan) ay Rewind, Mallari, GomBurZa at Firefly?

Tama ba, Cinema Exhibitors Association of the Philippines?

***

Totoo bang medyo matumal pa ang pag-usad ng mga ticket ng local concerts dahil ang mga sold out at inaabangan pa rin ay ang concerts ng Seventeen, at ang parating na Coldplay, NCT 127, Enhypen at Jonas Brothers, Ed Sheeran, Incubus, Rod Stewart, Janet Jackson, James Taylor at Laufey.

Paano na sina Pops Fernandez, Ogie Alcasid at Odette Quesada, Rivermaya, Jamie Rivera, Rey Valera at APO at The Company? Paano na?

Nasaan na ang support our own?

***

Nag-open ang ASAP Natin ‘To kahapon with Kim Chiu na sumayaw nang naka-Sto. Niño costume bilang pagse-celebrate ng Philippine January Festivals; ang tanong ng ilan, may pagkakaiba ba ito sa ginawa ni Pura Luka Vega?

Hindi Ama Namin ang tugtog at least, at stylized costume naman ‘yun?

***

Nag-celebrate si Ken Chan sa All-Out Sundays at nagpasalamat sa mga Ken-dies, ka-level ba ito ng Sunflower ni Kyline Alcantara?

Sabi ng kapitbahay namin, bakit nagiging kamukha ni Kyline – hindi si Millie Bobby Brown na ina-achieve niya – kundi si Maureen Larrazabal?

At si Rita Daniela, bakit nagiging kamukha na ni Mutya Crisostomo Laxa?

Sila ba ang pegs ng “young stars” na ito?

Nakakata-quote:

“Saan ka naman nakakita ng lalaking leading man na mala-Vilma Santos ay nagwo-walling at kapag nag-kissing at love scene ay nakapikit?” - Pat-P Daza

Show comments