Bumuhos ang papuri na natanggap ng seryeng Can’t Buy Me Love sa pagpapatuloy nitong pagtalakay sa importansya ng mental health na nararanasan ng karakter ni Belle Mariano na si Caroline.
Nag-trending kasi kamakailan sa social media ang eksena kung saan inaalo ni Bingo (Donny Pangilinan) si Caroline matapos nitong magkaroon muli ng panic attack (A panic attack is a brief episode of intense anxiety, which causes the physical sensations of fear. These can include a racing heartbeat, shortness of breath, dizziness, trembling and muscle tension – ayon sa www.betterhealth.vic.gov.au).
Para sa kanila, mahalaga na nabubuksan ng serye ang kamalayan ng viewers tungkol sa pinagdaanan ng mga taong tulad ni Caroline ay may Post-Traumatic Stress Disorder o iba pang mental health illness at para na rin maintindihan nila ito.
Samantala, aabangan naman ng viewers sa susunod na episodes ang susunod na gagawin ni Annie (Ina Raymundo) ngayong unti-unti na siyang nagpaparamdam sa buhay ni Caroline. Litong-lito nga ang viewers sa totoong intensyon ni Annie sa pagbabalik nito lalo pa at bigla itong nawala sa buhay ni Bingo kasabay ng pagkamatay ng ina ni Caroline. Bukod pa rito, napanood din ng viewers ang labis na pagkagulat nina Cindy (Agot Isidro) at Gina (Ruffa Gutierrez) nang malamang ina ito ni Bingo.
Napapanood ang trending episodes ng Can’t Buy Me Love sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maaari rin ito panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.