Kamakailan ay napabalitang posibleng magkatrabaho sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre para sa remake ng pelikulang T-Bird at Ako. Matatandaang sina Vilma Santos at Nora Aunor ang mga nagbida sa naturang pelikula noong 1982. Aprubado na rin ng Star for All Seasons kung sakali mang matuloy ang pagsasama nina Nadine at Kathryn sa bagong proyekto. “I’m so happy she approves and appreciates my work but I think it’s a matter of comfort level. ‘Coz I don’t think I’m ready for something like that. That’s very daring, ‘di ba?” nakangiting pahayag ni Nadine.
Mapangahas ang tema ng pelikula kaya kailangan umano itong paghandaan ng dalaga. “It’s very intimate. I’m not sure if I’m ready for something like that but it’s a challenge. And you know naman I’m up for challenges. It’s something that we can work on, tingnan natin,” giit niya.
Minsan nang nagkatrabaho sina Nadine at Ate Vi sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya noon. Nangangarap ang aktres na muling makasama sa isang proyekto ang Star for All Seasons. “Actually, looking forward to working with her or just to see her again. Why not, I’m game. Super game ako. You know me, I’m always excited to work,” pagtatapos ng aktres.
Andrea, ayaw na sa love team
Ngayong Biyernes ay magwawakas na ang Senior High na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes. Iba-ibang leading man na ang nakatambal ng aktres sa paglipas ng mga taon. Masaya si Andrea dahil patuloy na sinusuportahan ng mga tagahanga ang kanyang mga ginagawa kahit walang permanenteng katambal. “Nag-start pa lang kasi ako ng acting at the age of 7. Sa Annaliza I was 10. Si Grae (Fernandez), JK (Labajo) naging partner ko before. Ang dami ko pong pinagdaanan sa mga shows ko na lagi akong may nakaka-partner tapos no’ng nagkaroon ako ng opportunity na parang pwede na ako mag-solo artist parang gusto ko siya i-explore,” pagbabahagi ni Andrea.
Para sa dalaga ay mas marami siyang natututunan sa trabaho ngayong wala na siyang permanenteng katambal. “Mas nakikilala ko kasi ‘yung sarili ko bilang isang actress. Mas marami na ako pwedeng paglaruan at mas marami na po ako pwedeng makatrabaho na bago. I want something new at habang mas bata pa ako, mas madali pa mag-explore and habang ‘di pa ako super sanay na maging super independent, kung magkaka-partner din po ako. Personally, mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa po ako,” giit ng dating child star.
Para kay Andrea ay wala naman siyang problema kung magkakaroong muli ng katambal. Suportado rin ng aktres ang mga kasamahan sa industriya na magkakatambal. “Support po ako sa mga love teams. Nothing against them,” pagtatapos ng dalaga.
(Reports from JCC)