Sana naman gumaling na si Kris Aquino sa kanyang mga sakit.
Talagang mahirap ‘yung nasa abroad ka tapos maysakit ka pa. Imagine ang stress niya na may dalawa siyang anak na hindi niya personally maalagaan dahil nga sa kanyang sakit.
Kaya nga I find it very icky na sumisingit pa ang issue ng lovelife at this time.
Hindi ako nagagandahan sa mga article about Kris and Mark Leviste dahil parang hindi bagay sa ganitong pagkakataon ang pagsali ng lovelife sa issue ng sakit ni Kris.
Dapat concentrate lang siya sa pagpapagaling, at pag-iisip para sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.
Parang case si Kris ng isang tao na getting older but refusing to grow up. Hindi na bagay sa edad niya ‘yung mga issue ng lovelife na tulad noon na bata pa siya.
Napakabait na tao ni Kris para lang pagamit sa mga nonsense na bagay tulad ng pagli-link sa kanya sa sinumang lalaki at this point.
Kaya nga huwag nang pag-usapan kung sinuman, basta prayers na lang para gumaling si Kris para mas bongga.
Mario B., kapiling na ang misis
Nalungkot ako sa balita tungkol kay Mario Bautista.
Si Mario B na siya kong madalas kabiruan dahil parang kami na lang dalawa ang natitira sa grupo nina Ricky Lo, Bibsy Carballo, Wyngard Tracy, at Ethel Ramos. Kaya nga tuwing magkikita kami, joke namin na survivor kaming dalawa.
Sad ako dahil parang kami ang lumalabas na senior among the younger writers. At happy ako dahil active pa rin kami. We enjoy attending presscons na kadalasan gatecrasher naman ako.
A certain emptiness mapi-feel mo dahil parang nawalan ka rin ng kapatid dahil kasamahan mo siya nang matagal sa trabaho.
Rest peacefully, Mario B, now kasama mo na si Vicky, ang asawa mo na alam ko na miss na miss mo dahil nauna siyang umalis sa iyo. Siguro ang dami ninyong kuwentuhan nina Ricky, Bibsy at Ethel diyan.
We will always pray for all of you.