^

PSN Showbiz

Leo Martinez, may rebelasyon sa namayapang si Cherie Gil

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Leo Martinez, may rebelasyon sa namayapang si Cherie Gil
Cherie Gil

Nagkaroon ng mga rebelasyon si Leo Martinez sa latest vlog ni Snooky Serna.

Tuwing tatanungin daw siya tungkol sa mga anak niya ang sagot daw niya, “two, one, three. Two sa una, one kay Cherie [Gil], three kay Gina.”

Nagkaroon sila ng anak ng yumaong batikang aktres na si Cherie Gil na si Jay o Jeremiah David Gil Eigenmann.

Thirty-six naman na silang kasal ng misis na si Gina Valenciano na kapatid ng singer na si Gary Valenciano.

Mukhang maayos ang relasyon at turingan ng lahat ng kanyang anim na anak na nagkikita-kita raw paminsan-minsan sa States.

Isa pang rebelasyon niya ay noong buhay pa raw si Cherie ay naging best of friends pala nito ang misis niya na si Gina.

Kaya naman makikita sa mga anak nila na walang naging problema at lutang ang closeness ng mga ito.

Mga Asian drama, may pagkakapareho!

Alam n’yo ba na isa sa napansin ko dahil sa pagiging addict ko sa Koreanovela, ang dami pala nilang sad ang story ng show.

‘Yung talagang ‘pag sa local movie mo pinanood iisipin mo na OA ang story pero siguro dahil Korean nga, natatanggap mo na ang sobrang tearjerker nila.

Kahit ‘yung romcom nila meron pa ring mga eksena na sad ang dating.

Dito mo makikita na very emotional people pala sila. Talaga lang pulido ang paghatid nila ng istorya kaya hindi lumalabas na OA.

Pero siguro now na marami nang batang director at scriptwriters baka mabago na rin ang theme ng ilang shows at movie natin.

Siyempre mas wide na rin ang scope ng kanilang mga research kaya marami na rin silang napi-pick up sa mga napapanood nila.

I don’t mind watching ng isang movie o TV show na kinopya sa iba, bigyan lang nila ng credit ‘yung kinopyahan nila. Kung maganda ba para ikopya why not ‘di ba!

Huwag na tayong oversensitive, a good story is a good story kaya huwag mong sayangin.

Saka halos pareho naman ang kultura ng lahat ng Asyano, so what is wrong kung gawin nating kapareho nang ginawa nila ang gagawin natin.

Basta maganda ang show, go go lang.

Ang importante gusto ng manonood para bongga.

CHERIE GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with