Kathryn Bernardo in-unfollow si Daniel Padilla, diumano'y 'third party'

Composite image of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (left) and Gillian Vicencio (right).
ABS-CBN / Released, Star Magic, Gillian Vicencio via Instagram

MANILA, Philippines — Tuluyan nang in-unfollow ni Kathryn Bernardo ang ex-boyfriend na si Daniel Padilla — pero hindi lang siya ang tsinugi ng aktres sa social media.

Miyerkules nang tumaas ang kilay ng netizens sa pagkawala ni Deejay sa mga fino-follow ni Kath sa Instagram.

Napansin din ng mapagmasid na fans na naka-unfollow na rin ang aktres sa kanyang "A Very Good Girl" co-star na si Gillian Vicenco na una nang iniugnay sa paghihiwalay ng tambalang KathNiel.

Itinanggi na naman ni Gillian ang mga paratang.

Ika-30 ng Nobyembre nang kumpirmahin ni Kathryn ang paghihiwalay nila ng aktor matapos ang 11 taon nilang relasyon.

Sa kabila ng lahat ng ito ay fina-follow pa rin ni Daniel ang dating nobya sa naturang socmed site.

Una nang ibinalita ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin na sinusubukan pang suyuin ni Daniel si Kathryn matapos ang lahat ng nangyari.

Matatandaang nadawit din noon sa isyu ng hiwalayan ang pangalan ng isa pang aktres na si Andrea Brillantes.

Show comments