MMFF records nina Vice, Vic at Coco, nawasak na?!
Parang Pasko sa mga sinehan noong weekend, nalampasan na ba ang mga MMFF records with Vice Ganda, Vic Sotto at Coco Martin?
Magiging ganito na ba lagi sa buong taon?
Bakit ngakngak pa rin nang ngakngak si Claudine Barretto kay Raymart Santiago?
Hindi ba sapat ang mga nasabi niya sa korte? Ano pa ba ang bisa ng gag order?
Bakit nagpipirata pa rin ng mga pelikula like Rewind?
Hindi ba puwedeng tulungan na lang ito at huwag nang nakawin ang kita sa mga manggagawa natin?
Ow showing pa rin ang Broken Hearts Trip hanggang ngayon sa ilang sinehan? Kapit lang, may awa ang Diyos ‘di ba Christian Bables at Teejay Marquez na ayaw ma-typecast sa bading roles?
Anyare kay Jokoy sa Golden Globe? Ninerbyos ka ba talaga? Cringe daw ang performance mo sabi ng mga nakapanood?
Nakakata-quote:
“Jusko, half Pinoy man siya o full Pinoy, pag sablay, sablay; pag pangit, pangit. Walang nationality ang kapangitan.”- Jerry Gracio (writer).
- Latest