Masaya si Xian Lim sa nagiging takbo ng career niya ngayon na hindi siya natatali sa iisang partner, mapa-pelikula man at telebisyon, iba-iba ang kanyang nakakapareha.
Nito ngang lumipat siya sa GMA-7, tatlo na ang nakapareha niya mula kay Glaiza de Castro, Ashley Ortega at ngayon ay si Jennylyn Mercado.
Si Jennylyn ang leading lady ni Xian sa Love. Die. Repeat at gaya kina Glaiza at Ashley, wala rin siyang matagal na adjustment dahil mabilis silang nagkasundo.
“Si Jen kasi, the way I see it, she’s also an introvert like me so she’s very quiet especially noong first time naming magkatrabaho and I’m also a very quiet person, hindi lang halata. Madaldal ako when there’s few people around but when, ‘pag shoot na, I’m a very quiet person just like Jen.”
Patuloy ni Xian sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, “So it took a while to break the ice pero ang dami nang nangyari sa show and being together and shooting together, I think unti-unti na-break ‘yung wall and I think nangyri ‘yun sa pag-share ng mga kuwentuhan.”
Sa January 15, 8:50 pm., sa GMA-7 na ang premiere ng Love. Die. Repeat na sinumulang idirehe ni Irene Villamor at tinapos ni director Jerry Sineneng.
Samantala, nananatiling naka-off ang comment box ng Instagram ni Xian.
Masipag mag-promote si Xian kapag may project, tiyak na nami-miss ng kanyang fans ang mga kuwento niya sa kanyang post.
Parang kulang na videos and photos lang ang kanyang pino-post at walang caption at kuwento habang nanatiling naka-off ang kanyang comment box.
Yasmien, biglang laki
May paliwanag si Yasmien Kurdi kung bakit sa isa reels post, t-shirt ng asawang si Rey Soldevilla ang kanyang suot.
“Btw di na magkasya ang mga damit ko at ibang pinamili kong maternity clothes, kaya t-shirt na ni Pangga ang gamit ko,” paliwanag nito.
Preggy si Yasmien sa second baby nila ng asawa at biglang laki nito, batay sa nakita naming mga larawan niya.
Pati mukha ni Yasmien tumaba, kaya parang nag-iba ang kanyang mukha, pero naging blooming at glowing.
Balik school pala si Yasmien habang naghihintay ng kanyang due date.
Nag-enroll siya ng Pastery and Bakery Arts Program sa Academy of Pastry and Culinary Arts o APCA dahil hirap siya sa baking at paggawa ng pastries.
Tuwang-tuwa si Yasmien na sa first day of classes, marunong na siyang gumawa ng tarts at quiches.
Parang sa 12-Weekend Sessions ang dami nilang ibe-bake at gagawa ng cookies, pizza, different breads at marami pang iba.
After this program, maraming desserts ang puwedeng gawin ni Yasmien.
Matutuwa nito ang husband niya at ang eldest nila na si Ayesha.
Pero tiyak na hanggang tikim lang siya sa mga nilulutong matatamis dahil bawal sa buntis ang matatamis.
Mommy ng aktor,nag-flex ng disgusto sa gf ng anak
Hindi raw pabor ang nanay ng isang aktor sa girlfriend nito ngayon dahil sinulot lang daw ng aktres ang kanyang anak sa GF nito that time.
Very open si madir na ayaw niya sa GF ng anak ngayon at ipinaalam niya ito sa mga nakabasa sa kanyang post.
Nag-post si madir sa Instagram story ng “Only desperate women go after someone else’s man.” Sinundan niya ito ng “My son was happily in a relationship but you wouldn’t stop going after him...”
Naloka ang mga nakabasa sa post na ‘yun dahil ang buong akala nila ay tanggap ng nanay ng aktor ang GF nito.
Kaya laking gulat na lang ng mga nakabasa na in fairness, hindi naman nakasira sa relasyon ng magdyowa.
Dahil kahit hindi pabor ang ina sa jowa, maganda pa rin ang relasyon ng dalawa at ipinakita na mahal nila ang isa’t isa.
Saka, darating din tiyak ang panahon na matatanggap ni madir ang aktres and they will live and love happily ever after.