^

PSN Showbiz

Eat Bulaga at Tahanang..., tuloy ang salpukan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Eat Bulaga at Tahanang..., tuloy ang salpukan!
Eat Bulaga Hosts
STAR/ File

Buhay na buhay na naman ang netizens sa salpukan ng mga noontime show.

Nakakaloka ang mga bashing na inabot ni Paolo Contis, na talagang paulit-ulit na ipinamumukha sa kanya na tapos na ang laban, dahil natalo na sila ng TVJ at nakuha ang titulong Eat Bulaga.

Taliwas ito sa sinabi noon ni Paolo na “hindi pa tapos ang laban!”

Para sa loyal supporters ng TVJ, tapos na ang laban dahil ginagamit ang titulo ng original nilang programa.

Pero ang sabi ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi pa talaga tapos ang laban dahil itutuloy pa rin daw nila ang apela sa kasong ito.

Hindi lang nila puwedeng gamitin ang Eat Bulaga dahil sa injunction, pero sabi ni Atty. Maggie, “We will file appeal po. Under the rules, TAPE can appeal the decision of the court within 15 days to the Court of Appeals.”

Pero natutuwa raw siya sa buong staff at hosts ng noontime show na ito ng TAPE dahil sa maikling panahon ay nakapag-isip agad ng ipapalit kahit nilait naman ito ng karamihan.

Kaya tinanong namin si Atty. Maggie kung ito na bang Tahanang Pinakamasaya ang gagamitin nilang title o temporary lang?

Kahit sina Paolo ay hindi rin daw alam kung ito na ba talaga ang gagamitin nila. “Abangan po natin ang gagamitin na ba ng TAPE as it’s temporary title while on appeal ang case ang Tahanang Pinakamasaya or pipili pa sila ng ibang title?

“Let us watch next week po as TAPE will reveal a lot of surprises sa show next week,” dagdag na text sa amin ni Atty. Maggie.

Pero hindi raw sila nagpapaapekto sa mga pagbabagong ito at hinaharap na challenges.

Dito raw talaga nila pinanindigan ang kasabihang “the show must go on!”

Siyempre, ikinalungkot ito ang pamilya Jalosjos, dahil nagulat din daw sila sa ibinabang desisyon ng korte.

“Of course, they are not happy with the decision, especially that the decision includes trademark ownership and cancellation of trademark in a copyright infringement case when the former cases are pending before the IPO. The show will and must go on,”  text pa ni Atty. Maggie sa amin.

Nilinaw rin niya sa amin na walang nag-pull out na advertisers at ang dami pa rin nilang commercial loads.

Samantala, ang isa pang napansin namin ay may AlDub fans na nagpu-post sa X na mas sinusuportahan daw nila ang Tahanang Pinakamasaya.

Ewan ko kung legit ‘yun, o buong AlDub ba talaga o iilan lang ang nagpu-post na sinasabing AlDub is back daw, at nagpu-post ng “Let’s support Tahanang Pinakamasaya.”

Nakarating din ito sa mga taga-TAPE, at natuwa nga raw si Atty. Maggie.

Fil-Brit singer, lelebel kina Lovi at Janine

Isa sa bilib kaming mag-handle ng artist na kayang pakinangin ang isang artista ay si Leo Dominguez ng LVD Artist Management Corp. Na-elevate niya into A-Lister artists sina Lovi Poe, Paulo Avelino, Janine Gutierrez at siyempre nanatili pa rin sa kanya si Ogie Alcasid.

Kaya naintriga kami kung ano ang nakita niya sa isang Fil-Brit singer na si Geraldine Jennings na ipag-produce niya ng pelikula.

Nung nakaraang media launch kay Geraldine, naging vocal kami sa kanya na mas gusto namin sana siyang ilunsad bilang singer, dahil magaling siya.

Iba ang style niya na tiyak na magustuhan ng mga kabataan lalo na ang nasa Gen Z. Pero gusto ring subukan ni Geraldine ang pag-arte at ilulunsad na nga siya sa pelikulang Isla Babuyan na prinodyus ng Solid Gold Entertainment.

Nagsu-shooting pa rin sila na kung saan suportado rin siya ng mga magagaling na artistang pinangunahan ni Lotlot de Leon, kasama sina Jameson Blake, Nathalie Hart, Paolo Gumabao, James Blanco at Dave Bornea. Si Abdel Langit ang direktor nito.

Ang buong akala namin, ang Mommy ni Geraldine na si Gina Cariaga-Jennings ang nag-produce nito para sa kanyang anak, pero hindi pala.

Ipinaliwanag ni Leo na talagang sinugalan nila si Geraldine sa film project na ito. Bandang huli lang daw pumasok ang Mommy ni Geraldine na sumali sa production.

Matagal na raw kinumbinsi ni Leo ang Mommy ni Geraldine na mag-artista ang anak niya. Ngayon lang daw napapayag na tama naman break ni Geraldine sa school kaya sinimulan na nila ang shooting ng pelikula.

“Talagang we planned it siguro a year ago pa. So, tinayming naming kung kailan puwede mag-shoot si Geraldine. The best time was her Christmas break.

“And then, when we were shooting, na-excite si Ms. Gina. Parang she attended the script reading, and the look test. And then 2nd or 3rd shooting day, she approached us. Ang sabi niya, baka she can also invest, so we welcomed it ‘di ba? Para mas lumaki pa ‘yung pelikula namin.

“Matagal ko nang kinu-convince si Gina na mag-artista si Geraldine, years years ago pa, bago pa mag-pandemic, kinu-convince ko pa sila,” dagdag na pahayag ni Leo.

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with