Kathryn at Daniel, walang awkwardness sa kasal nina Robi at Maiqui
Pinagdidiskusyunan ng fans at non-fans ni Daniel Padilla kung kaninong haircut nina James Reid at Ronnie Alonte ang kapareho ng gupit ni Daniel ngayon. Hindi magkasundo ang netizens kung kaninong haircut ang kapareho ni Daniel at may nag-post pa ng larawan nila ni James na parehong may suot na earring sa isang tenga.
Nag-debut ang new haircut at new look na rin ni Daniel sa church wedding nina Robi Domingo at Maiqui Pineda, kaya agad napansin. Sa tanong kung bakit malaki ang hikaw ni Daniel, malaki rin ang hikaw ni James, ibig sabihin, uso siya sa mga kaedad nila.
Sa nasabi pa ring wedding nina Robi at Maiqui, part pala ng entourage si Kathryn Bernardo at si Daniel ay invited lang. Kaya siguro hindi naka-Barong Tagalog si Daniel at short sleeved white polo ang suot na para sa iba ay underdressed siya at hindi sumunod sa dress code.
Pinansin naman ng fans ni Kathryn na hindi sila pinag-partner ni Daniel at para sa fans ng aktres, nirespeto raw ng mga ikinasal na break na ang dalawa. In fairness, hindi naman nag-iwasan sina Kathryn at Daniel at may video pa nga na nilapitan ni Daniel si Kathryn at kinausap. Friends pa rin sila kahit break na.
Carmina, nanahimik na sa breakup nina Mavy at Kyline!
Naging emotional si Mavy Legaspi sa kanyang birthday post for his 23rd birthday last Jan. 6 at ramdam na may hugot ito at may pinagdaanan.
Mas emo naman ang birthday message ni Carmina Villarroel sa kanya dahil baka raw mabigyan ng ibang meaning ng mga makakabasa. “I’m trying to be careful because baka bigyan ng ibig sabihin ‘yung mga sasabihin ko. I don’t want to overthink, Tatay and I are just happy that you’re back.”
May ibig sabihin ang huling tinuran ni Carmina na “Tatay and I are just happy that you’re back.” Ano raw ba ang ibig sabihin ni Carmina, nawala sa kanila for sometime si Mavy? Ito kaya ‘yung time na nakarelasyon ni Mavy si Kyline Alcantara?
Ayon pa kay Carmina, “You know that I’ve been quiet for the past how many years, hindi ko alam bakit sinasabi nilang nangingialam ako but I don’t care because I am your mother. Kung nakialam ako, hindi mangyayari ito. So it only means, hindi ako nakialam. We always want what’s best for you, hindi kami mga kontrabida ng buhay ninyo, kakampi ninyo kami.”
Sa huli, sinabi niya na gusto lang niya ng peace and love para sa lahat. “Tahimik lang po kami kasi hindi naman po kami palaaway. Gusto lang namin ng peace and love sa lahat.”
Rufa Mae at Derrick, hinihiritang gumawa ng bold film
Natawa kami sa naging sagot ni Rufa Mae Quinto sa comment ng isang fan na bagay silang magkatambal ni Derrick Monasterio at sana gumawa sila ng movie sa Vivamax. “Grave siya” ang sagot ni Rufa Mae na sinamahan ng laughing emoji.
May follow-up comment ang fan, kaya raw niya nasabi ‘yun dahil sexy pa rin si Rufa Mae at nag-agree ang isa pang fan na ang sabi ay bakit nga hindi sila gumawa ng movie ni Derrick sa Vivamax eh, Viva star naman siya?
Kaya may ganitong convo ang fans dahil nag-post si Rufa Mae ng photo nila ni Derrick kuha sa taping ng Makiling. Buntis ang karakter niya at paaanakin siya ni Elle Villanueva. Balik-teleserye at primate si Rufa Mae na pabalik-balik sa Pilipinas at Amerika kung saan siya naninirahan kasama ang asawa at anak.
Bumabalik lang siya ng bansa kapag may project siya sa GMA 7 at sa Viva Films na rin dahil ang alam namin, pumirma siya ng kontrata sa Viva.
Anyway, this Monday na, 4 p.m., ang premiere ng Makiling na isang revenge series at pinagbibidahan ni Elle kapareha ang boyfriend na si Derrick.
- Latest