Newbie star na si Geraldine Jennings, ‘babuyan’ ang launching movie
Nag-aaral sa University of London
Ganda ng background ng baguhang singer / actress na si Geraldine Jennings.
Pinanganak siya sa bansang Northern Irish / British father at isang Filipina na ina.
At nag-aral siya sa British School Manila in BGC ng nursery to year 2.
“When I moved to UK in 2009, I moved to Edinburgh, and I attended both private schools Fettes College, and in my last year of high school, I attended Loretto School,” umpisa niya.
Pagkatapos ng high school, nag-aral na siya Loyola Marymount University in Los Angeles, California for 1 year, and took Business Management with Music and acting. “Now, I am currently studying in the University of London.”
Pero talagang showbiz ang passion niya kahit noong bata siya, “My first love is singing and playing the guitar. I also am passionate about acting,” sabi ni Geraldine.
“When I was 14, I joined my first competition: Teenstar UK singing competition in 2018 and got to the final. Subsequently, I joined and won the prestigious future music development award in the Open Mic UK singing competition, and performed at the 02 Arena in London.”
At ang hobbies niya : “equestrian show jumping/dressage, and recently I took up Polo. I also do clay pigeon shooting.”
Pero bukod sa singing, may pelikula na siya – na may pamagat na La Isla Babuyan na mag-uumpisa pa lang mag-shoot.
At ang leading niya rito, si Jameson Blake.
Launching movie na ito ni Geraldine na sa sinasabing the next most important star of 2024.
Ito raw ay romantic tragicomedy na pelikula, “a dark, sexy, disturbing and very sarcastic romance, and a surreal soap opera.”
Hindi naman nahirapan si Geraldine dahil hindi nalalayo sa totoong buhay ang role niya sa pelikula bilang si Anastassia na half Filipina and half European girl na dumating bansa upang makapiling ang inang Pinay na ginagampanan ng Urian best supporting actress Lotlot de Leon.
Hanggang na-in love siya kay Jordan na ginagampanan ni Jameson Blake. Kaya naman napasabak kaagad siya sa kissing scene.
““It was fine, it was natural, it was normal, I wasn’t nervous at all, it was just normal, you know. He’s a nice person and I knew him beforehand, it wasn’t like I didn’t know him, so, yeah, it was good, it was fine,” pahayag ng newcomer sa kanyang media launch last Friday.
Pero papasok ang problema sa pag-eksena ng stepmom ni Jordan na gagampanan ni Nathalie Hart.
Kabilang din sa pelikula sina Paolo Gumabao, James Blanco, Dave Borneo and introducing Samantha Da Roza as Jasmin.
Ang Isla Babuyan ay produced by Solid Gold Entertainment.
Aktor, nahuling umiihi sa poste ng kuryente na may nakatambak na buko
Huling-huli ang isang aktor na umiihi sa poste ng kuryente pagkagaling niya sa isang showbiz event.
May comfort room naman sa pinanggalingan nitong restaurant pero mas pinili pa nitong umihi paglabas ng resto.
Ang siste may nakatambak pang mga buko sa katabi ng nasabing puno ng kuryente.
Eh may nakakita dahil may mga nakasabay siyang naglabasan ng nasabing event.
Hindi pa gaanong sikat si aktor.
Actually, newbie pa lang ang category niya kung tutuusin. May letter B sa kanyang apelyido.
Kaawa naman kasi kung papangalanan agad. Hahaha.
- Latest