Robi at Maiqui, mag-asawa na
Ikinasal na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang gaanong detalye.
Si Melai Cantiveros lang ang nag-upload sa kanyang story ng ilang ganapan sa kasalan na ginanap sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Bulacan, kahapon ng hapon.
Pero nagkasama pala sa nasabing kasalan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nagsilbing candle bearers habang kabilang si Piolo Pascual sa principal spondors.
“Nakahabol din ako Robsywasbsy ... awwwww ... Super happy to witness this moment, Robs. We labyu, Rob and Maiqui. Congrats, Mr. and Mrs. Robi and Maiqui Domingo,” caption ni Melai sa isa sa mga post niya.
Nabanggit ni Robi sa isang interview na naging abala siya sa paghahanda sa kasal dahil nagpapagaling ang misis niya na ngayon sa sa rare autoimmune disease na tinatawag na “dermatomyositis”.
- Latest