Napakabilis ng mga pangyayari! ‘Yun ang naramdaman ng mga taga-TAPE, Inc. sa desisyon ng Marikina RTC kaugnay sa kasong Copyright Infringement at Unfair Competition na isinampa nina Tito, Vic and Joey at Jenny Ferre laban sa TAPE, Inc. at GMA 7.
Bahagi nga ng unang statement ni Atty. Maggie Garduque ng TAPE, “We were surprised that the court ruled on trademark and trademark infringement when the case pending in court is copyright infringement.”
Iaapela raw nila ito, pero nag-file ng injunction ang TVJ sa titulong ito kaya hindi na puwedeng gamitin ng TAPE, Inc. kahit nasa appeal pa ang kaso.
Aligaga ang mga taga-TAPE sa paghahanda sa Saturday episode nila dahil kailangan nilang baguhin na ang titulo. Hindi na puwedeng gamitin ang Eat Bulaga.
Kaagad naisip nila ang titulong Tahanang Pinakamasaya hango sa kanilang jingle na ginagamit. “Nabigla kami sa decision pero we had to follow and prepare agad sa maiksing oras na meron kami,” text sa akin ni Paolo.
Aminadong tensyonado silang lahat dahil sa biglaang pagbabago, pero masaya naman daw sila. “Medyo tensyonado, pero masaya. High spirits lahat,” text pa sa akin ng main host ng naturang noontime show.
Nagpasalamat sila na nairaos naman daw nila lahat, lalo na’t ipinagdiwang pa nila roon kaarawang ng Legaspi twins na sina Mavy at Cassy.
Nagpasalamat din sila na walang may nag-pull out na sponsors, at mahigit 30 minutes pa nga ang commercial load nila nung Sabado.
Nakatsikahan din namin si Ice Seguerra sa press launch ng bagong drag club na Rampa na matatagpuan sa Quezon City.
Sabi ni Ice, masaya siya para sa TVJ at sa mga kapwa niya legit Dabarkads na finally nakuha nila ang titulong Eat Bulaga.
Kinilabutan daw siya nang narinig na niyang nabuo na nilang kantahin ang Eat Bulaga sa noontime show nila sa TV5.
Sana raw ay matapos na ang mainit na isyung ito, dahil sa hindi na pinag-aagawan ang titulo.
Kapuso star Claire Castro, hinahanap ang inang dating actress!
Hindi napigilan ni Claire Castro na maluha nang binalikan ko sa kanya ang isyu nila ng kanyang inang si Raven Villanueva.
Nakatsikahan namin ang Kapuso actress sa media conference ng bagong afternoon drama ng GMA Public Affairs na Makiling.
Isa sa mga kontrabida si Claire sa drama series na ito na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.
Nagustuhan daw niya ito dahil mas lalo raw siyang nati-train sa tamang pag-acting. Pero hindi lumabas ang katapangan at pagkakontrabida niya nang tanungin ko kung nagkita ba o nagkaroon man lang ng komunikasyon sa kanyang ina. “We don’t talk. There’s no bad blood naman po. I guess, ‘yun lang po ang direction ng buhay namin ngayon. I tried to reach out, but if she reaches out, I’m more than willing to respond, to talk with her.
“I have tried but no avail,” pakli ni Claire.
Sinubukan daw niyang magpadala ng mensahe sa social media account ni Raven pero in-unsend naman daw niya dahil hindi naman daw nito nakita ang ipinadala niyang mensahe.
Pero tumuluy-tuloy na ang paglagaslas ng luha ni Claire nang hiningan ko siya ng mensahe para sa kanyang ina. “Ayun! Siyempre miss ko na siya. Nakakahiya, minsan in denial pa ‘ko. Pero siyempre, I’m still looking for her ganun,” naluluha niyang pahayag.
Napag-usapan na rin naman daw nila ito ng kanyang Daddy na si Diego Castro. Naintindihan naman daw siya sa kanyang nararamdaman, dahil 10 taon na raw niyang hindi nakikita at nakakausap ang kanyang ina.
Sa Jan. 8 na magsisimula ang Makiling sa afternoon prime ng GMA 7.
Proud si Claire sa ginawa niya rito, kahit all-out ang pagkakontrabida niya sa seryeng ito.