Eldest son nina Manny and Jinkee, lagi lang insert sa pictorial

Manny at Pamilya
STAR/ File

Gustong manahimik sa Amerika...

Walang makatanong kay Jinkee Pacquiao kung bakit laging insert sa mga family pictorial nila ang eldest son nilang si Emmanuel.

Consistent ‘yun na laging insert.

Kaso nga limited ang pwedeng mag-comment sa Instagram account ng misis ni former senator Manny Pacquiao.

“It’s never about what we have but who we have.? insert @pacquiao.emmanuel,” ang huling post ni Jinkee.

Tho may nagkuwento na may issue nga ang eldest son na diumano’y ayaw na raw nitong umuwi dahil mas gusto nitong maging normal ang buhay.

Living independently raw ito sa Amerika.

Gusto raw kasi nitong maging normal ang lifestyle.

Anyway, sa Japan sinalubong ng pamilya Pacquiao ang bagong taon.

Show comments