Igan namasko sa mga alagang may diabetes

Igan Foundation INC.
STAR/ File

Tagumpay ang isinagawang movie night for a cause ng Igan Ng Pilipinas Foundation Inc. noong Dec. 20, 2023 ng pelikulang Aquaman and The Lost Kingdom na ginanap sa  Robinsons Magnolia Movieworld.

Ang IGAN Foundation ay brainchild ni Arnold Clavio na naantig sa mga kuwentong kanyang na-cover [bilang reporter ng GMA News and Public Affairs] tungkol sa mga mahihirap na bata na may mga sakit na nakamamatay.

Naniniwala siya na ang mga batang ito ay karapat-dapat na magkaroon ng makabuluhang buhay sa kabila ng kanilang karamdaman.

Ito ay isang non-profit na mission din na suportahan at bawasan ang pagdurusa ng mga batang may diabetes at gabayan sila sa kanilang landas patungo sa mas maayos na kinabukasan.

Sa kasalukuyan, binabayaran ng Foundation ang dalawampung (20) bata na may Type 1 diabetes para makatanggap ng kanilang mga gamot.

Ang kasalukuyang layunin ng organisasyon ay mag-enroll ng mas maraming bata sa programang “adopt-a-child with diabetes.”

Kamakailan ay isinagawa rin Igan Foundation ang Pamasko Ni Igan para sa mga recipient nila.

Show comments