Elle, ginamit pagiging ‘bakla’ ni Derrick!

Elle Villanueva at Derrick Monasterio
STAR/ File

Diretsahang tinanong ni Boy Abunda ang aktor na si Derrick Monasterio kung totoong bakla ito at diretsahan din siyang sinagot nito na hindi.

Dahil nga sa bulung-bulungan tungkol sa seksuwalidad nito ay minsan na rin pala itong kinumpirma ng aktres na si Elle Villanueva na kasalukuyang karelasyon nito.

Noong unang proyekto pa lamang daw nila ay iniisip daw talaga niya kung totoong bakla ito pero na-realize raw niya na lumaki lamang ito sa industriya na puro bading ang mga kasama kaya nasanay ito sa kanyang pananalita at kilos.

Ginamit pa nga raw nito ang isyu na iyon para lang makasama ang aktor.

Istrikto raw ang mommy niya kaya para raw payagan siyang makasama ito ay sinabi niyang bakla iyon para hindi mag-alala ito.

Pero ngayon daw ay alam na ito ng mommy niya at nagulat pa raw ito dahil sinusundo pa raw ng aktor ang anak nito sa Baguio kaya paanong naging bakla ito.

Ganunpaman, hindi naman nagpapaapekto si Derrick sa mga kumukuwestyon sa seksuwalidad niya. Mas bothered daw siya sa mga gumagamit sa pagiging bakla biglang pang-asar o pang-iinsulto dahil wala raw masama sa pagiging isang bakla. “Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla. Wala naman masama roon. Siguro kailangan mas maging open-minded na ang mga tao ngayon. Hindi okay kapag gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit,” sey nito.

Umani naman ito ng respeto mula kay Boy Abunda.

Show comments