^

PSN Showbiz

Karen at Migs, ibibida ang mga Negosyo sa Quiapo

Pilipino Star Ngayon
Karen at Migs, ibibida ang mga Negosyo sa Quiapo
Karen Davila at Migs Bustos
STAR/ File

Dadalhin nina Karen Davila at Migs Bustos ang viewers sa isang tour sa Quiapo ngayong papalapit na kapistahan ng Itim na Nazareno dahil kikilalanin nila ang iba’t ibang mga negosyante sa sikat na distrito ng Maynila na may mga makabuluhang kwento sa bagong episode ng My Puhunan ngayong Sabado (Enero 6).

Makakausap ni Migs si Emylita Yabut, isang deboto ng Poong Nazareno at nagpapatakbo sa 80 taong sikat na kainan ng palabok sa Quiapo. Malalaman ni Migs kung ano ang sikreto kung bakit patuloy na tinatangkilik ng publiko ang kaanilang munting kainan na nagbigay-yaman sa kanilang pamilya.

Ipapakita naman ni Karen ang bilihan ng dragon fruit juice malapit sa Quiapo Church na patok na kabuhayan nina Shiela at Reymond Magarso na patuloy na nagte-trending sa social media. Iiikot din tayo ni Karen sa kilalang bilihan ng samu’t saring handicrafts na matatagpuan sa ilalim ng tulay sa may Quiapo na binebenta ng iba’t ibang sellers na matagal na ring nagtitinda sa lugar.

Tampok din sa My Puhunan sa Sabado ang pagkaing pasulbot na mula pa sa probinsya ng Quezon na dinala nina April at Marlon Banagan sa Quiapo noong 2023 at ngayon ay unti-unting nagiging popular sa social media.

Huwag palampasin ang mga kwentong puno ng inspirasyon sa My Puhunan: Kaya Mo! kasama sina Karen Davila at Migs Bustos sa bago nitong timeslot tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, news.abs-cbn.com/live at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.

vuukle comment

KAREN

MIGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with